^

Pang Movies

Huling tambalan nina Donny at Belle, huhusgahan!

Salve V. Asis - Pang-masa
Huling tambalan nina Donny at Belle, huhusgahan!
DonBelle

MANILA, Philippines — Inaasahang dudumugin ngayong araw ang opening day ng pelikulang Tayo Sa Wakas.

Grabe ang fans sa mga lugar na pinupuntahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

All-out at solid ang suporta lalo na at sinabi ng DonBelle na ito na muna ang huling project nila.

Kamakailan ay dinagsa ng fans sina Donny at Belle sa kanilang pagbisita sa Zamboanga City, Antipolo at Bulacan.

 Nagpatuloy ang nationwide mall tour nila sa KCC Mall Cotabato, Ayala Malls Marquee Pampanga, SM City Bacoor at Dasmariñas sa, Robinsons Galleria Cebu sa Mayo 30, SM City Iloilo sa Hunyo 6, at SM City Bacolod sa Hunyo 7. Bibisita rin sila sa ilang block screenings sa Cebu, Iloilo, Davao at Bacolod.

Anyway, mapapanood ang Tayo Sa Wakas, mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, sa mga sinehan nationwide simula ngayong Mayo 27 at sa iba’t ibang bansa simula Hunyo.

Kaya naman para kay Donny, memorable ang ginawa nila dahil nga laging dagsa ang fans sa mga pinupuntahan nila.

Caption naman ni Belle sa isang post sa Instagram: “Grateful for every single second. See you in cinemas this May 27 #TayoSaWakas”

Sen. Migz, sinagot ni IC!

Isasampa na raw sa Sandiganbayan nga­yong Huwebes ang kasong plunder laban kay Sen. Jinggoy Estrada, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla kahapon.

Sabi ng Ombudsman, pipirmahan niya ang resolusyon na nag-uutos sa pagsasampa ng kasong plunder at malversation laban kay Senator Jinggoy kahapon din.

Last Thursday nang makita at sandali naming nakausap si Sen. Jinggoy sa birthday celebration ng kaibigang si Jun Lalin.

At nang kumustahin namin ay sinabi niya lang na “ito makukulong na raw,” parang joke niyang sagot.

Kahapon ay tren­ding na si Sen. Jinggoy.

Nauna nang nakulong si former Sen. Bong Revilla.

But anyway, parang showbiz na nga ang nagaganap sa kasalukuyan dahil idinawit pa ni Sen. Miguel Zubiri si Ate Luds (Inday Badiday). Sabi ng senador: “Inday Badiday na ba tayo (rito] sa Senado? Kaya nga sinasabi, ‘we’re circus. I apologize to those who are watching. They think we’re circus. We are a circus because [of] this type of language that we are pushing in this caucus chamber. It’s unparliamentary,” pero sinagot ito ng apo ni Ate Luds, si IC Mendoza.

Pinagtanggol din ni Sen. Ping Lacson ang yumaong talk show host.

Well, ang bottomline talaga, mas malala pa sa showbiz ang nagaganap sa Senado. Kaya nga parang kinakabog ng mga usapin sa pulitika ang mga pelikulang ipinalalabas.  

BELLE MARIANO

DONNY PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with