Megan, naging mundo noon si Mikael!

Sa isang podcast interview, naikuwento ni Miss World 2013 Megan Young ang muntik na hiwalayan nila noon ng mister niyang si Mikael Daez.
Inamin ni Megan na masyado niyang pinagtuunan noon ng pansin si Mikael. “I feel like I got lost in love to the point that I didn’t take care of myself. I loved Mikael so much that I made him my world, but he hated that,” sey ni Megan.
Si Mikael pa raw mismo ang nagpaalala sa kanya na huwag kalimutan ang sarili. “He didn’t like na it was all about him. Sabi niya, ‘I started dating you and you had your own thing. I want to see who she really is. I am not your world, I’m merely part of it, sabi niya. I want you to just do your own thing and flourish. If your schedule has to revolve around me, I don’t want that, sabi niya,’” pagbabalik-tanaw ni Megan.
Dahil sa sinabi raw na iyon ni Mikael, muntik silang magkahiwalay. “Parang we were in our three years of relationship na and we had a very, very intense conversation. Muntik na kami mag-break noong time na ‘to dahil ayaw niya talaga na ginagawa ko siyang mundo ko. I really had come to realize na, oo nga no, parang masyado kong ginagawang center of my life si Mikael na hindi naman dapat.
“Nakakalimutan ko na rin pala ‘yung sarili ko na I am my own person and I can do anything without him because even before I met him, I was able to do all these things,” diin ni Megan.
Naayos naman daw ng dalawa ang lahat kaya hindi nila kailangan maghiwalay. “Buti na lang, ‘I am committed to this relationship and I will not make you my world.’ So from then on, that’s when the individuality started. I really started doing my own thing and that’s when we started really flourishing in our relationship,” sey ni Megan.
Magnanakaw sa bahay ni Teddy, ibinalik ang tablet
Nilooban pala ang bahay ng It’s Showtime host na si Teddy Corpuz kamakailan at natangay ang nasa higit na P90,000 halaga ng pera, alahas, at tablet.
Mapanonood sa CCTV ang pag-akyat ng isang lalaki sa balkonahe ng ikalawang palapag ng bahay ni Teddy. Pumasok ang lalaki sa bintana, binuksan ang pinto saka naghalughog sa mga gamit.
Ayon sa pulisya, natutulog sa ikatlong palapag si Teddy at ang kanyang pamilya nang maganap ang pagnanakaw.
Mabilis namang natukoy ng mga awtoridad ang identity ng lalaking nanloob. Sinabi ni Teddy na nakikipag-ugnayan sa kanyang kapatid ang suspek at ibinalik ang tablet.
Sa isang Facebook post, kinuwento ni Teddy ang mga nangyari pagkatapos ng nakawan sa kanyang bahay. “Kaninang umaga, bandang 4:30 ng umaga, pumunta ‘yung mga barangay sa bahay namin. In-inform nila kami na sinurender ng kapatid nung magnanakaw ‘yung tablet na nakuha sa atin. Tinawagan ng magnanakaw ‘yung kapatid niya tapos sinabi kung saan tinago ‘yung tablet, so nakuha natin ‘yung tablet kaninang umaga. Maraming salamat!
“Sana mahuli ‘yung magnanakaw, and sana maging vigilante pa rin tayo. God bless sa inyo. Thank you, thank you so much.”
Mummy ni Brendan Fraser, bubuhayin!
Pinaghahandaan ni Brendan Fraser ang pagbida niya ulit sa The Mummy film franchise after 20 years. Naka-set na ma-release sa theaters ang The Mummy 4 on Oct. 15, 2027 at ma-reunite si Fraser sa co-stars niyang sina Rachel Weisz, John Hannah, at iba pa. “We’re gonna get the band back together. The only way to do it. So, we are going to give the audience what they have been bothering all of us for, for the last twenty-whatever years.
“Please wish me luck. I’m doing my best to get this 57-year-old gear in shape,” tawa pa niya.
Naging big Hollywood star si Fraser dahil sa box-office success ng The Mummy in 1999. Nasundan ito ng The Mummy Returns (2001) and The Mummy: Tomb of the Dragon Emperor (2008).
Nagkaroon ng major film comeback si Fraser via The Whale after a 10-year hiatus at nanalo pa siya ng best actor sa Oscars in 2022.
- Latest





















