Jimuel, ikakasal na!

Sa June pala naka-schedule ang wedding ng eldest son nina Manny and Jinkee Pacquiao.
May apo na ang mag-asawa kay Jimuel at aliw na aliw ang mag-asawang Pacquiao.
Maraming pulitikong kaibigan daw ng mga Pacquiao ang lilipad pa-Amerika para sa nasabing kasal ni Jimuel.
Hindi nila sinasabi ang name ng karelasyon ni Jimuel pero very visible na ito sa social media pages ng mga Pacquiao.
Aktres, nagpaluwal ng datung sa taping!
Ang sosyal pala talaga ng isang actress na kering-kering magpaluwal ng datung sa taping.
Sa abroad daw nag-taping ang isang serye at isa si actress sa mga bida kaya malaki talaga ang budget.
Ang ending nag-overbudget ang production.
Kaya kinailangan daw mag-request ng production ng additional budget. Pero maghihintay raw sila ng matagal dahil gipit na rin ang pinagkukunan ng resources ng production.
Kesa mabitin, nagbigay na lang daw ang actress ng P2 million ayon sa narinig kong kuwento.
Iba pa raw ito sa nauna niyang inabono nung kinailangan nilang mag-ulit ng eksena.
Ang bongga. At walang sinasabi rito si actress. Na tiyak na kahit tanungin siya tungkol dito, magiging tikom ang bibig niya.
Sabagay kung marami ka namang datung, mas mabuti na ‘yun kesa naman maghintay pa sila sa production ng budget.
- Latest


















