Janella, pinagmalaki ang intimate moments nila ni Klea!

MANILA, Philippines — Kahit hindi Valentine’s may pakilig si Janella Salvador.
Ito ay matapos ang kanyang sweet birthday message para kay Klea Pineda.
Ibinahagi ni Janella ang series of photos ng kanilang bonding/lambingan.
Like ‘yung intimate moment nilang magkahawak-kamay sa loob ng sasakyan, may halik sa kamay si Klea, may pa-flowers, na agad kinaaliwan ng fans.
“My favorite pov! through every trip and bumpy ride i’ll always, always have your back and side (as a passenger princess)”
Sabi pa niya, “you are so full of love. happy birthday.”
Maiksi pero ramdam ng kanilang followers ang laman ng nasabing mensahe na nagpakilig sa kanila.
At ang napansin ng followers nila, blooming si Janella.
- Latest




















