^

Pang Movies

Bela at Carlo, iyakan ang reunion!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Bela at Carlo, iyakan ang reunion!
Bela at Carlo

Matapos unang magtambal sina Bela Padilla at Carlo Aquino sa kanilang first movie nung February 2018 na Meet Me in St. Gallen na sinulat at pinamahalaan ni Irene Villamor, muling pinagtambal ang dalawa sa upcoming movie na pinamagatang A Special Memory na sinulat ng award-winning veteran writer at National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee at direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Ang nasabing tear-jerking movie ay base sa hit Japanese TV series na Pure Soul na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa darating na March 11, 2026.

Bukod sa kakaibang kuwento ng pelikula na may kinalaman sa sakit na Alzheimer’s disease, parehong excited sina Bela at Carlo sa kanilang balik-tambalan which took them eight years bago muling nangyari.

Joel, pinabongga ang birthday celeb

Dinayo namin last Saturday evening, Feb. 7, ang paanyaya sa amin ng tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz para sa kanyang 61st birthday celebration na ginanap mismo sa open area ng kanyang mansion sa Canyon Woods, Laurel, Batangas. 

It was not just an ordinary birthday celebration dahil bukod sa kanyang walong anak, mga kaanak and his friends in and out of the industry including his classmates and schoolmates sa University of Santo Tomas who are also equally successful in their respective fields.

Sobrang nag-enjoy ang mga dumalong guests sa masasarap ng pagkain, entertainment – singing and dancing, gifts sa lahat ng dumalo na naglalaman ng kanyang recently-launched book, ang Business 101 (What Worked For Me) published ng Vibal Foundation, Inc., nag-enjoy rin ang lahat sa music, games at sa mga cash pa-raffle kung saan siya namigay ng 10 – P6,100 each, 10 – P10,000 each at isang single winner ng P61,000 for his 61st birthday. 

Sobra ring nag-enjoy ang mga bisita sa stand-up comedy act ng walang kupas na si Jon Santos, song numbers from Dulce, Malu Barry, ang global performer na si Marcelito Pomoy maging ang dalawa sa mga anak ni Dulce.

Namataan din namin sa nasabing pagtitipon sina Arnell Ignacio, Ynez Veneracion, Papa Ahwel Paz, John Nite, ang fashion designer na si Eric Pineda at marami pang iba.

Ang kanyang mansion in Laurel, Batangas, sa kanyang boutique hotel in Camp John Hay in Baguio City, ang kanyang mala-mansion ding bahay in Sampaloc, Manila ay ilan lamang sa kanyang napakaraming investments (including several business establishments sa Amerika) na nagsimula lamang sa kanyang widely-spread and well-known fragrance business, ang Aficionado na nag-diversify na sa iba’t ibang produkto at negosyo.

Hindi lang tinupad ni Joel ang pangarap ng kanyang ina ay nilagpasan pa niya ito dahil sa kanyang pagiging matagumpay na negosyante.

Tulad ng King of Talk na si Boy Abunda na naging mapagmahal na anak sa kanyang yumaong ina na si Nanay Lising Abunda, ganoon din ang ipinakita ni Joel sa kanyang yumaong ina nung ito’y nabubuhay pa na si Gng. Milagros Martin Santos-Cruz punanaw sa edad na 92 nung May 2021.

BELA PADILLA

CARLO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with