Bea, nilantad ang pagbubuntis

After weeks of speculation, finally ay kinumpirma na ni Bea Borres na nagdadalang-tao siya.
Isinagawa ng kontrobersyal na social media personality ang ‘big reveal’ sa kanyang latest vlog titled “Finding out I’m pregnant + Friends Reaction” uploaded yesterday, Aug. 12.
Mapapanood sa nasabing vlog ang pregnancy test na isinagawa ni Bea kasama ang mga kaibigang sina Alex Gonzaga at Toni Fowler.
Si Alex at ang mister nitong si Mikee Morada ang kumumpirma na pregnant nga si Bea matapos nilang masusing tingnan ang resulta ng pregnancy test.
Sey ni Alex kay Bea, “you’re pregnant, ‘wag ka na uminom.”
Sabi naman ni Toni, “Hindi lang ito basta ‘yung parang mai-stress ka. Peace of mind rin na ‘wag ka nang iinom, wala ka nang ii-inject, wala ka nang ipapahid.”
Matapos malaman ang result ay tinawagan agad ni Bea ang kaibigang si Andrea Brillentes para ipaalam ang kanyang pagbubuntis.
Napaiyak si Blythe at sinabing, “’wag ka kabahan, nandito ako para sa ‘yo, Bea.”
Nabanggit din ni Bea sa vlog na she’s now six weeks pregnant.
Sa huling bahagi ng video ay emosyonal na nagbigay ng kanyang pahayag si Bea hinggil sa kanyang pregnancy.
“I just want to say, kung girl ka man or boy, I will be the happiest as long as you’re safe and healthy,” mensahe ni Bea sa kanyang baby.
“And I’m sorry ‘cause, I also want to say sorry to myself ‘cause this isn’t how I imagined doing this.
“I’m just so proud of myself because kaya ko, kinakaya ko, and I love that,” emosyonal niyang wika.
Inamin din niyang hindi siya ready for this subalit nangako siya na gagawin niya ang lahat para maging best mommy sa kanyang first baby.
Kapansin-pansin sa nasabing vlog na hindi na binanggit ni Bea kung sino ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.
- Latest





















