^

Pang Movies

Tina, sinagot ang hinanakit ng ina!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pang-masa
Tina, sinagot ang hinanakit ng ina!
Daisy Romualdez at Tina Paner.
STAR/ File

Sumagot naman pala si Tina Paner sa mga pahayag ng mommy niyang si Daisy Romualdez.

Matapos maglabas ng sama ng loob ni Daisy tungkol sa anak dahil wala na raw silang komunikasyon mag-ina, ay nag-post naman si Tina ng TikTok video nilang mag-ina na magka-video call.

Sa caption nito ay sinabi nitong “Maritesan with my Mom, yung na miss namin ang isa’t isa.”

Sinagot ni Tina ang mga komento ng mga netizen na mahilig magpayo.

Wala raw sa posisyon niya ang mga ito para magsalita ng kung anu-ano laban sa kanya.

Dinepensahan  din si Tina ng daughter niyang si Shane.

Siya raw ang nagdesisyon para sa kanyang ina na lumayo para sa kanyang peace of mind at respeto sa sarili at hindi raw talaga dahil sa galit.

Syempre sino raw ba ang aayaw na makipag-usap sa sariling nanay, pero paano raw kung magbibigay lang daw sa kanya ng takot at sakit?

At sey pa ni Shane, “Just because she chose silence doesn’t mean she’s wrong/guilty. People will always have something to say regardless. We’re just choosing healing over noise.”

Nagpasalamat naman si Tina sa anak.

Kaya hayaan na ng mga marites ang mag-ina sa problema nila dahil sigurado namang darating ang panahon na magkakapatawaran sila.

‘Kaloka.

DAISY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with