^

Pang Movies

Maine, nawindang sa televised wedding!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maine, nawindang sa televised wedding!
Maine
STAR/ File

Ikinaloka ni Maine Mendoza ang lumabas na balitang ite-televise ang kasal nila ni Arjo Atayde.

Sa kanyang Twitter account ay ipinost ng TV host/actress ang link ng artikulong lumabas kung saan ay nakasaad na ayon umano kay Joey de Leon ay mapapanood sa TV5 ang kasal nila ni Arjo.

Sa caption ay nilinaw ni Maine na wala itong katotohanan.

“Huh? This is not true and the article is misleading. Not sure if clickbait done on purpose or comprehension is just (sad emoji),” saad ni Maine.

Aniya pa, “I am the last person to publicize a personal affair.”

Nag-react din si Maine sa netizens na naniwala agad sa balita.

“Kakaloka din how some netizens would simply believe what they see on the Internet. Kailan ba mauuso ang fact-checking?!” hirit niya.

Ang nasabing artikulo ay mula sa panayam ni Joey de Leon kamakailan kung saan ay sinasabi niyang maraming dapat abangan sa bago nilang show sa TV5.

“We will start in a few days. Yes (immediately). Hindi na namin papatagalin kasi hinahanap na rin ng mga katawan namin. Ang maganda nito, we’re already airing during our 44th anniversary and the wedding of Maine. So ‘yun ‘yung mga big events na aabangan niyo,” sabi n Joey.

Matatandaang kinumpirma ni Arjo kamakailan sa isang panayam na magaganap ang kasal nila ni Maine ngayong taon.

Jackie Lou, pinagsisihan ang hiwalayan nila ni Ricky

Kung maibabalik lang ni Jackie Lou Blanco ang panahon, sana raw ay hindi na sila naghiwalay ng ex-husband na si Ricky Davao.

Inamin ito ng aktres sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda.

Natanong kasi si Jackie Lou kung ano ang mga bagay na gusto niyang baguhin sa nakaraan.

“Siguro kung mayroon akong babaguhin, sana hindi kami naghiwalay ni Ricky,” sagot ni Jackie Lou.

“Only because, I can see how affected my children were although they are very understanding… You know that they have been affected in many ways. Sana hindi na lang, para hindi sila naapektuhan in those ways,” ang paliwanag ng aktres.

Medyo matagal-tagal na ring panahong hiwalay sina Jackie and Ricky at maayos naman ang co-parenting setup nila sa kanilang tatlong anak.

“What I can only do now—both of us— is to still co-parent and to still, I guess, do what we can with what we have now kasi hindi mo na pwedeng baguhin ‘yon eh,” sey ni Jackie.

Sa relasyon nila ni Ricky, inamin naman ng aktres na hindi naman sila ‘yung tipong madalas mag-usap.

“We are not chummy-chummy. Not so long conversations, but we do (talk). If I have to tell Ricky something that I cannot tell in person, I text him.

“Sometimes he’ll answer, sometimes he doesn’t answer, but even if he doesn’t answer, kung anuman ‘yung inilalapit ko sa kanya, ginagawan n’ya ng paraan. Okay na sa akin ‘yun. We are a work in progress,” pagbabahagi ni Jackie Lou.

vuukle comment

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with