^

Pang Movies

Andrea, susubok manirahan sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Andrea, susubok manirahan sa Amerika
Andrea del Rosario

Hindi ikinakaila ng actress at dating Viva Hot Babes original member na si Andrea del Rosario na hindi naging madali para sa kanya na tanggapin ang kanyang role sa pelikulang May-December-January movie na sinulat ng National Artist for Films and Broadcast at award-winning writer na si Ricky Lee at direksiyon ng prem­yadong director na si Mac Alejandre dahil sa steamy sexy scenes. Pero nangibabaw umano ang kanyang pagiging actress at ang respeto at paghanga sa writer at director ng pelikula.

Turning 45 on Nov. 27, a mother of a 12-year-old na si Bea at fiancé ng international polo player na si Anthony Garcia, marami umano siyang dapat i-consider lalo na pagdating sa paggawa ng explicit sexy scenes lalo na sa mga batang actor na sina Gold Aceron at Kych Minemoto na parang mga anak na lamang niya.

Bago tinanggap ni Andrea ang pelikula ay nagpaalam umano siya sa kanyang fiancé dahil ayaw umano niya itong maging ugat ng kanilang hindi pagkakaunawaan. Mabuti na lamang at malawak ang pang-unawa ni Anthony at naiintindihan din niya na actress si Andrea kaya naging maluwag ang loob ng actress na gawin ang mga ito.

During the red carpet premiere ng pelikula May-December-January movie na ginanap sa The Block ng SM North EDSA, kabado si Andrea sa magiging outcome ng screening at nakahinga lamang umano siya nang maluwag nang isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa loob ng sinehan sa pagtatapos nitong ipalabas.

Although integral part ang sexy scenes sa pelikula, mas natandaan ng mga mano­nood ang magandang narrative nito, ang mahusay na pagkakadirek ni Direk Mac at ang magaling na performance ng lead actors.

Samantala, naibahagi sa amin ni Andrea na balak umano niyang subukan ang buhay sa Amerika sa isang taon kung saan niya gustong magpatuloy ng pag-aaral ang kanyang kaisa-isang anak (sa isang prominent businessman at dating politician). Gusto rin umano niyang kumuha sa America ng isang agent para mahanapan siya roon ng trabaho habang siya’y nasa America. Kung may maganda namang project sa Pilipinas ay puwede umano siyang magpabalik-pabalik ng America at Pilipinas.

Nothing is final though pero kasama na umano ito sa kanyang mga binabalak sa isang taon.

Beverly, nasa Canada na

Nasa Pilipinas ngayon ang Canada-based actress, writer, director, producer and acting coach na si Be­verly Vergel for a week-long stay.

Sa Toronto, Canada na siya naka-base ngayon since August 2013 nang kanyang talikuran ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.

Si Beverly ay nakababatang kapatid ng namayapang actor na si Ace Vergel at mga anak ng yumaong veteran actors na sina Alicia Vergel at Cesar Ramirez.

Si Beverly ay may isa ring anak na si Tracy Vergel na sandaling nag-artista.

Although sa Canada na siya naka-base, she travels to Los Angeles, California at least four times a month na may kinalaman sa kanyang trabaho.

Hindi rin ikinakaila ng actress na nami-miss niya ang kanyang buhay sa Pilipinas lalo na ang kanyang trabaho bilang writer, actress, director at mentor.

Viva sexy star Angela, napuri sa tubero

Halos maiyak sa tuwa ang Viva sexy star na si Angela Morena dahil sa mga papuring kanyang tinanggap pagkatapos ng private screening ng kanyang launching movie bilang lead star, ang Tubero na kanilang pinagtambalan ni Vince Rillon mula sa direksiyon ni Topel Lee under Viva Films and for Vivamax screening ngayong Oct. 21.

Although sanay na si Angela sa iba’t ibang sexy roles na kanyang ginagawa at patuloy na ginagawa, lumitaw ang kanyang husay sa acting sa pelikulang ito.

Isa rin sa nangangarap na tanghaling isang mahusay na actress si Angela ata hindi siya ma-identify forever sa kanyang pagpapaseksi sa pelikula.

Si Angela ay pamangkin ng dating sexy star na si Lara Morena at kapatid ng dalawa pang sexy stars ng Viva na sina Stephani at Micaela Raz.

Sofia at Daniel, ‘di nagmamadaling pakasal

Mukhang wala sa immediate plans ng young partners na Sofia Andres at ang international race car driver na si Daniel Miranda ang pagpapakasal kahit may almost three-year-old daughter na sila, ang Australia-born na si Zoe na magta-tatlong taon sa darating na Nov. 24, 2022.

Kahit hindi pa kasal sina Sofia at Daniel, nagpapatayo na ang dalawa ng kanilang second home sa Lipa, Batangas.

Sina Sofia at Daniel ay huling nakitang magkasama sa ika-25th birthday ni Joshua Garcia last Oct. 7 na dinaluhan din nina Da­niel Padilla, Zanjoe Marudo, Kyle Echarri, Ria Atayde at iba pa.

vuukle comment

ANDREA DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with