^

Pang Movies

Benjie, gustong maging sidekick ni dingdong

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Benjie, gustong maging sidekick ni dingdong

Gustung-gusto ni Benjie Paras na mapasama sa sitcom ni Dingdong Dantes kung gagawa ito. Kasi nga para kay Benjie isa sa pinakamabait na artista para sa kanya si Dingdong na bukod sa magalang, masarap kasama sa trabaho.

Bagong kombinasyon kung sakali dahil talaga namang iba ang wit at andar ni Benjie sa comedy.

At magaan ding kasama ito dahil very professional at masarap katrabaho.

Naging favorite sidekick nga ito ni Bong Revilla kaya halos lahat ng sitcom nito kasama si Benjie. Sana nga matupad ang wish ni Benjie na makasama si Dingdong. New team and new comedy antics. Bonggang-bongga.

Presidentiables, mahigpit ang labanan

Parang neck to neck ang laban nina Bongbong Marcos at Leni Robledo, Salve. Mataas sa survey si BBM, pero ang dami naman ng crowd ni Leni. Hindi mo na nga alam kung ano pa ang laban ng ibang kasali dahil ang nakikita mo na lang ‘yung dalawa. Alam mo na tuloy pa rin sina Isko Moreno, Ping Lacson, Manny Pacquiao, Ka Leodie, pero sina BBM at Leni na ang alam mong frontliner talaga.

Isa sa kanila ang tiyak nang magiging Presidente natin kaya naman ihanda na rin natin ang ating loob sa pagtanggap sa kanila.

Sinuman ang manalo, dapat nating igalang dahil talagang nakasalalay sa mga kamay niya ang ating bayan.

We will honor the people’s choice. Kaya hintayin na lang natin ang resulta.

vuukle comment

BENJIE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with