^

Pang Movies

Chynna, nagpapagaling pa rin!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Chynna, nagpapagaling pa rin!
Chynna

Marami ang nabahala sa biglang pagpayat ng katawan ni Chynna Ortaleza. Sa post nito sa Instagram, inamin nito ang pagbagsak ng timbang niya mula 109 to 86 pounds kahit na hindi siya nagda-diet o nagwu-workout.

Bukod sa kanyang iniindang gut problem, nakadagdag pa raw sa pagpayat ni Chynna ay ang kanyang mental health issues.

Nagsimula raw ang mental health problem ni Chynna noong pumanaw ang ama niya noong 2019. Nagkasunud-sunod daw ang mga pangyayari sa buhay niya kaya ‘di raw siya masyadong nakapagluksa.

“I didn’t give myself time to grieve in all honesty about my papa so after that, I became a mom again and faced different adjustments since, now, I have two kids. Apart from that, the pandemic happened, so I had to process a lot of things,” sey pa niya.

Nagpapagaling ngayon si Chynna pero marami raw pagkain ang bawal niyang kainin tulad ng cheese, dairy, eggs at ‘yung may gluten.

Joey at Bayani, naka-relate sa pinagdadaanan ni Bearwin

Nagpaabot ng kanilang suporta kay Bearwin Meily sina Joey Marquez at Bayani Agbayani.

Aware sila sa nangyayaring financial crisis ng pamilya ni Bearwin.

Kapwa nakatrabaho nina Joey at Bayani si Bearwin sa iba’t ibang projects, kaya nakaka-relate sila sa kapwa nila komedyante na nawalan ng pagkakakitaan noong magkaroon ng pandemya.

Sey ni Joey: “Naiinis ako sa’yo pinaiiyak mo ako! Ang sabi ko nga parati kailangan resilient ka eh. May mga pagkakataon talaga na nasa baba tayo, may mga pagkakataon talaga na nasa taas tayo minsan. Kilala ko si Bearwin. Noong nagtatrabaho kami niyan, lahat gagawin niyan mapatawa lang ang tao. Minsan may ginagawa ‘yan, lumulon ng goldfish para mapatawa lang kami. Kaya natutuwa ako sa kanya dahil ngayon, kahit na medyo down tayo lahat, nagsu-survive siya at saka tingin ko talaga kay Bearwin, survivor ‘yan eh. Masipag, mabait na kasama at saka mapagmahal sa pamilya.”

Sey naman ni Bayani: “Parekoy, brother, alam mo, lahat ng problemang dumarating sa buhay natin, lahat ‘yan may katapusan, may katapat na solusyon, at alam ko dahil sa matinding pananampalataya mo at pananalig sa Panginoong Diyos, kayang kaya mo ‘yan.”

vuukle comment

CHYNNA ORTALEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with