^

Pang Movies

Cristalle at pamilya,’di nakaalis pa-Australia!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Habang may COVID-19 pandemic pa, sa Australia na muna maninirahan si Cristalle Belo Henares kasama ang panganay na anak na si Hunter at ang bunsong baby girl (Siena) at mister na si Justin Pitt.

Australian si Justin, kaya doon na raw muna sila.

Dapat ay noong Tuesday ang alis nila pa-Melbourne at nasa airport na nga ang mag-anak, pero may kulang daw sa papers ng bunsong anak nila, kaya hindi sila natuloy.

Malamang daw ay ngayong June na matutuloy paglipad ng Australia ni Cristalle at ang kanyang pamilya.

Bianca King sa walang COVID na-lockdown

Si Bianca King naman, nasa Sydney, Australia rin ngayon.

Sabi ng isang malapit sa aktres, doon daw na-lockdown si Bianca.

Mukhang ok naman doon si Bianca dahil panay rin ang post niya na nasa park siya.

“I can stay in the park all day and take pictures of nature,” sabi ni Bianca sa isang post niya.

Paalala pa ni Bianca sa kanyang social media followers sa Philippines na kahit scorching sa bansa natin, try to get some sun daw before 10:00a.m. and after 3:00p.m. dahil maganda sa atin ‘yon dahil source ng vitamin D ang araw.

Sam at Anthony nagsasama na

Ang mag-fiancé na sina Sam Pinto at Anthony Semerad, nasa Brisbane, Australia naman.

Siyempre, obvious na enjoy ang dalawa na magkasamang naka-lockdown doon.

Madalas namang sabay na mag-exercise ang dalawa, kaya naman napapanatili ni Sam ang kanyang kaseksihan at sobrang ganda pa rin ng abs ni Anthony.

Parang ikaw rin sila, Ateng Salve, na kahit naka-lockdown sa bahay at work at home lang ay panay rin ang exercise. Hahaha.

‘Yun na!

vuukle comment

CRISTALLE BELO HENARES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with