^

Pang Movies

Marian umpisa na sa yaya!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian umpisa na sa yaya!

Ang saya-saya at ang ingay ng APT Studios nang gawin na ang popular segment ng Eat Bulaga na Bawal Judgmental last Saturday, na naging special guests ay ang mag-asawang Dingdong at Marian Dantes. 

Muntik nang first time na manalo ng buong 50K ang guests pero nasilat sa third question. Iyong first two questions, nahulaan lahat ng mag-asawa kung sino ang tamang sagot among the contestants, na sumali sa QuizBee contests noong mga bata pa sila.

Bale promotion din ito ng Descendants of the Sun ni Dingdong na napapanood gabi-gabi sa GMA-7 after ng 24 Oras, at si Marian naman, next week daw ay magsisimula na silang mag-taping ng bagong serye na first time nilang pagtatambalan sa Primetime Telebabad ni Gabby Concepcion, ang First Yaya.

The other day ay nagkaroon na ng look test ang First Yaya at ipinakita na ang gaganap na first family, si Gabby as the Vice President and later on ay magiging President kasama mga anak niya, sina Cassy Legaspi, Princess Aguilar at si Baeby Baste. Nasa cast din sina Pancho Magno at Kevin Medina.

For sure marami pang bubuo sa cast nito. Abang-abang na lamang kung kailan ang airing ng FirstYaya.

Tom tsugi na sa serye!

Ilang araw na nakaraan, maraming netizens na sumusubaybay sa GMA Primetime Telebabad series na Love of my Life na nagtatampok kina Tom Rodriguez, Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez at si Ms. Coney Reyes, ang umapela sa mga writers at kay Direk Don Michael kung puwedeng huwag patayin ang character ni Stefano (Tom), lagyan daw ng twist ang story na gumaling siya sa kanyang pancreatic cancer. Pero hindi na sila napagbigyan dahil nasa stage 4 na ang cancer ni Stefano.

At last Thursday’s episode, bumuhos nga ang luha ng televiewers habang nagpapaalam na si Stefano kay Adelle (Carla), Kelly (Rhian), Nikolai (Mikael) at sa dalawang anak niya, ang adopted son na si Andrei at si Gideon (anak niya kay Kelly) at halos hindi na umabot dumating si Isabella (Coney) at sa kanyang kandungan pumanaw ang anak.

Ang Love of my Life ay napapanood weeknights after Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

vuukle comment

MARIAN DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with