^

Pang Movies

Frankie mas gusto ang Pinoy BF

Debbie Castillo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malabo pa pala nating mapanood sa TV at big screen ang anak ni Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan na ibang-iba ang ganda sa kanyang Ate KC Concepcion.

Sa isang interview ay natanong ang young singer-composer tungkol sa kanyang possible showbiz plans.

May plano ba siyang mag-artista like her mama?

“Uhm, maybe not in the same way. I want to pursue honestly my music and my writing. That’s all naman I want to do. Perhaps not in a very conventional way, you know na… I’m not sure if I got the guts or strength to do anything like Star Magic-ish.”

So ayaw niya ng acting tulad ng kanyang mom?

“The thing about acting is…  I actually have so much fun doing it. I used to do it sa mga high school plays, mga ganun. But I feel like there are people who work so hard, they train so much harder for it na parang ayaw ko naman pong to fill into a role just because my Mama is or something like that.”

Pero ayon din sa young singer-composer, hindi naman niya isinasara ang kanyang pinto sa opportunities. Kung magkaroon man daw ng offer na sa tingin niya ay perfect sa kanya ay susubukan din daw niya.

“I don’t really consider myself like super actress so we’ll see. I feel like I’m not good enough parang there are people na so much better,” nakangiti niyang sabi.

Nakabakasyon lang ngayon si Frankie na babalik na sa New York sa November 19 kung saan siya kasalukuyang nag-aaral ng college. Susubukan din daw niya ulit magbakasyon sa spring break.

August nung nakaraang taon lumipad papuntang Big Apple si Frankie para mag-aral at hanggang ngayon ay nag-a-adjust pa rin siya.

“I think I’m adjusting to New York better than a lot of my friends adjusting elsewhere,” kwento pa niya.

Madali raw kasi siyang ma-distract lalo pa kapag naiisip niya ang kanyang pamilya.

Wala rin siyang boyfriend ngayon dahil sa tingin niya ay mas mabuti pa rin kung Pinoy guy ang kanyang makaka-date. “May mga values na very fundamental ‘yung Filipino na you really can’t find (in other guys), so yeah I’ve been single for like a year now and I’m great.”

Hindi rin pala siya aware na marami pala ang nakakakita ng kanyang tweets. “Natakot ako, parang nahiya ako na people see that pala ‘no?”

Natanong din si Frankie sa tweet niya tungkol kay President Duterte nang lumabas ang sinabi nitong “Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo. At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign. Ang sinasabi ko, totoo ‘yan,” tungkol sa kanyang mama Sharon at amang si Sen. Kiko Pangilinan.

At ayon sa kanya, “I didn’t really think about that cause to me it wasn’t really about it. It’s about the principle of the thing. I think I can say something about it, kase naman, pagod na pagod na ako sa New York.”

vuukle comment

FRANKIE PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with