^

Pang Movies

‘Life is really a box of chocolates, you don’t know what you will get’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Siguro nga Salve aside from my being harbatera, kaladkarin din ang image ko kaya nadadamay ako sa halos lahat ng issues.

Tahimik lang ako na nagmamasid sa war of the roses ng mga Barretto pero biglang nadamay ako.

Sa gitna tuloy ng paglilibot ko para makuha ang gifts ko, naabala pa ako.

Enjoy ako sa Christmas lunch with Cris Roque of Kamiseta at Leo Espinosa dahil juicy ang mga chika ni PatP Daza tapos takbo naman ako sa merienda namin ni Ricky Lo with the Obagi group na siyempre, hinarassed ko si Suzanne para sa aking red envelope.

Napuyat ako sa kahihintay ng ipadadala ni Mama Alice Eduardo na umatras yata ang driver dahil sa traffic sa Fairview at salamat nga pala sa diffuser na regalo ni Joe Barrameda.

Bongga talaga ang Christmas ko dahil tambak ang mga regalo at may tambak din na intriga. Life is really a box of chocolates, you don’t know what you will get, ha, ha, ha! Basta happy Christmas everyone, be safe and healthy.

Amy laging pang-award ang acting

Magiging mas meaningful ang Pasko ng mga Kapuso dahil muling bibida sina Miguel Tanfelix at Amy Austria sa nakakaantig-puso na Christmas story na mapapanood bukas sa Magpakailanman, ang Saturday night drama anthology ni Mel Tiangco.

Happy si Amy dahil muli silang nagkasama ni Miguel na batang paslit pa lang nang una sila na magkatrabaho sa Mulawin noong 2004.

Pagaspas ang pangalan ni Miguel at Nanay Lourdes naman ang name ng karakter ni Amy sa top-rating primetime television series ng GMA-7, fifteen years ago.

Sana Ngayong Pasko ang title ng episode ng Magpakailanman na pinagbibidahan nina Amy at Miguel.

I’m sure, pang-award na naman ang acting na ipamamalas ni Amy sa Magpakailanman na tungkol sa isang lalaki na pinili na lisanin ang pamilya para hanapin ang tunay na pagkatao na inalis sa kanya ng sariling ama.

Kapwa masaya sina Amy at Miguel sa reunion nila sa telebisyon na dapat abangan at panoorin.

vuukle comment

MULAWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with