^

Pang Movies

Boy2 isang dekada nang nagpapatawa

Joe Barrameda - Pang-masa
Boy2 isang dekada nang nagpapatawa
Boy2 Quizon

MANILA, Philippines — Malayo na talaga ang narating ni Boy2 Quizon huh. Nag-umpisa siya bilang child actor at na-nominate pa sa isang movie niyang nagawa. Dahil apo ni Dolphy ay hindi naging mahirap kay Boy2 na pasukin ang showbiz. Ten years na siyang nasa Bubble Gang at sa kung ano anong teleserye ng GMA siya nakasama.

Ngayon ay nagdi-direct na siya ng isang movie para sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino. Sa pagkukumbinsi sa kanya ng mga kaibigan tulad ni Neil Arce ng N2 at Piolo Pascual kasama si Bb. Joyce Bernal ng Spring Films ay itinuloy niya ang pagdi-direct ng I’m Ellenya L. na produced ng N2, Spring Films at Cobalt Entertainment. Kaya huhusgahan ang first directorial project niya sa September sa pagbubukas ng 3rd PPP.

Arra nagpamalas din ng galing sa pagkanta

Hindi lang pala ang husay sa pag-arte ang ipapamalas ni Kapuso actress Arra San Agustin sa kanyang much-awaited teleserye na Madrasta kundi pati na rin ang talent niya sa pagkanta. Siya kasi ang kakanta ng theme song ng soap na Hayaan Mo. First time raw ni Arra na mag-record ng kanta kaya kahit kinakabahan ay pinagbutihan niya ito. “Nabigla ako pero masaya kasi sobrang ganda nung song. ‘Yung message niya ginawa talaga para sa show.” Ang kanta raw ay tungkol sa kanyang karakter na si Audrey na wagas ang pagmamahal kay Sean (Juancho Trivino).

RitKen nagpakilig sa Mindanao

Nagpakilig sa Cagayan de Oro at General Santos ang patok na patok na Kapuso love team na RitKen—Rita Daniela at Ken Chan nitong weekend. Nakisaya sa Higalaay Festival ng Cagayan de Oro ang dalawa noong Sabado (August 31) kung saan may Kapuso Mall Show sila sa Centrio Mall Ayala. Kinabukasan  naman ang RitKen nagtungong General Santos City para pasayahin ang mga Kapuso sa KCC Events Center. 

Dapat talagang abangan ang RitKen sa kanilang much-awaited comeback series na One of the Baes sa GMA Telebabad.

vuukle comment

BOY2 QUIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with