^

Pang Movies

Andrea at Derek may relasyon na

Joe Barrameda - Pang-masa
Andrea at Derek may relasyon na
Derek Ramsey at Andrea Torres

MANILA, Philippines — Hindi pa man nagtatagal ay may source kami na nagkumpirma na may relasyon na raw sina Derek Ramsey at Andrea Torres. Dito lang sa The Better Woman teleserye sila nagkakilala.

Kamakailan lang ay magkasama ang dalawa sa Shanghai, China. Hindi pa namin alam kung papaano nakapagpaalam ang dalawa.

Noong una ay akala namin ay may eksenang kukunan sa China. Pero parang sinuportahan ni Andrea sa isang Frisbee na sinalihan ang macho actor.

Well, bagay naman sila.

Marami ang pumupuri sa kahusayan ni Andrea sa dual role niya sa The Better Woman. Nagagawa niya ng buong husay ang karakter ng kambal huh. Galing niya at maganda ang feedback sa mga netizen. Right choice siya sa role na ibinigay sa kanya.

Jennylyn focused sa trabaho at negosyo, ayaw pang pakasal

Muli na namang pumirma ng panibagong kontrata si Jennylyn Mercado sa GMA Network kamakailan lang.

Since Starstruck days ay never niyang inisip na lumipat sa ibang network, kaya naman alagang-alaga siya ng GMA.

Sa kasalukuyan ay umaani ng papuri ang role niya sa Love You Two. Walang kasiguruhan kung siya pa rin ang female lead sa Descendants of the Sun dahil hanggang September pa sila sa Love You Two at may Starstruck pa. Basta dun daw siya naka-focus at may gagawin pa siyang movie with AiAi delas Alas at Coco Martin kaya punong-puno ang schedule niya.

Wala pa silang balak ni Dennis Trillo na magpakasal at marami pa raw siyang gustong gawin kasama na ang kanyang mga negosyo.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with