^

Pang Movies

Mommy D abala sa Bible study sa LA

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Si Mommy Dionisia Pacquiao sa Bible study sa bahay ng anak na si Manny Pacquiao noong Saturday night (kahapon ng umaga sa Philippines) sa Los Angeles, California.

In fairness, tuwang-tuwa na nagpa-picture kay Mommy Dionisia ang mga bisita ng ating Pambansang Kamao na sumali sa bible study na ‘yon.

Samantala, pinangunahan ni Manny ang pagkanta ng spiritual songs sa pa-bible study na ‘yon.

Ruffa binisita ang anak sa Amerika

Ang “reunion” ngayon ni Ruffa Gutierrez at ang panganay na anak na si Lorin Gutierrez sa Tom Bradley International Airport sa L.A.

Umalis kahapon si Ruffa pa-L.A. para dalawin si Lorin.

Sa dorm sa UCLA naka-stay si Lorin habang nag-aaral ng economics na special summer class for three weeks, pero susundo at excited siya sa pagdating ng kanyang mommy.

Sabi ni Ruffa, kahit less than two weeks pa lang si Lorin sa L.A. ay miss na miss na niya ang panganay na anak.

Noong Saturday nga pala, nakita si Ruffa na kasama ang nanay niyang si Annabelle Rama sa isang hotel sa BGC.

Nag-bonding muna ang mag-ina bago umalis kahapon si Ruffa.

ASAP sa California at Rome, ubusan ng tiket

Ang ASAP sa San Jose, California sa August 3.

Nakahanda na rin ang ASAP sa Rome, Italy sa November 16.

Balitang wala ng mabiling ticket sa ASAP show sa Bay Area at ‘yung sa Rome naman, ngayon pa lang ay mabenta na.

Magaling mag-promote ang mga taga-TFC (The Filipino Channel), kaya mabilis ang usad ng tickets sa tuwing nagsu-show abroad ang ASAP!

Concert ni Lea dinadagsa

Ipinadala sa akin ng isang kaibigan ang kuha niyang video nang manood siya ng concert ni Lea Salonga sa isang lugar sa United Kingdom.

Sobrang puno ang concert na ‘yon ni Lea.

Tahimik ang audience habang kumakanta si Lea at obvious na “ninanamnam” ang ganda ng boses niya.

Sa July 21 ay may concert na naman siya sa London Palladium at manonood doon ang isa ko pang friend na si Gigi Asok-Bambroffe.

Sold out na ang tickets sa main show ng 7:30PM at noon pa ay ay nagdagdag na sila ng 2:00PM show at may tickets pa na binebenta para doon.

Kapamilya stars magpapasaya sa London

Kasabay ng concert ni Lea ang 35th London Barrio Fiesta 2019 kung saan ang isa sa performers ay si Ogie Alcasid.

Dinarayo rin ang annual fiesta na ‘yon.

Bale ka-partner ang ABS-CBN/TFC sa two-day event na ‘yon na magsisimula ng July 20.

Sa July 20 ay sina Inigo Pascual at KZ Tandingan ang performers at makakasama naman ni Ogie sa second day sina Pia Wurtzbach, Zanjoe Marudo at Anne Curtis.

vuukle comment

DIONISIA PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with