^

Pang Movies

Serye nina Derek at Andrea kikilatisin na!

Joe Barrameda - Pang-masa
Serye nina Derek at Andrea kikilatisin na!
Derek Ramsey, Andrea Torres

MANILA, Philippines — Sa Lunes na pala magpa-pilot ang The Better Woman na pagbibidahan nina Derek Ramsey at Andrea Torres bilang kapalit ng Rosang Agimat na sana ay siyang magpapa-pilot, kung hindi lamang nangyari ang aksidente sa set nito kung saan involved ang pumanaw nang beteranong aktor na si Eddie Garcia. Sabagay matagal nang gumigiling ang camera para sa teleseryeng The Better Woman kung saan puring-puri ni Derek ang leading lady niya na si Andrea.

Parang worth it daw ang pag-aabang nila sa serye. Ayon kay Derek, very challenging ang cha-racter niya sa serye kaya nagustuhan niya agad ang serye na binigay ng Kapuso Network.

Magdasal ‘wag magsisihan!

Wala pa ring tigil ang bashing sa GMA-7 at nanggagaling pa ito sa mga taong wala naman sa pinangyarihan ng aksidente. Kahit anong sabihin ninyo ay isa itong aksidente na sa tingin namin ay ginawang rason para sa nakatakdang buhay ng award-winning actor na si Eddie Garcia.

Maaaring yun na talaga ang kapalaran at itinakda ng Panginoon para kay Eddie. Kaya lagi kong sinasabi na si Lord lang ang makakasagot bakit nangyari yun. Lahat ng nangyayari ay ang dakilang lumikha lang ang nakakaalam. May kanya-kanya tayong date sa Panginoon at maski tayo ay hindi natin alam kung hanggang kailan tayo.

Kaya kayong mga humuhusga ay isipin ninyo na mangyayari din yan sa atin at hindi natin alam kung kailan. Ang importante ay handa kayong humarap sa Dakilang lumikha anytime. Imbes na sisihan kayo nang sisihan ay magdasal na rin kayo para maging handa anytime.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with