^

Pang Movies

Ana Roces ‘makaluma’ ang style ng pang-aapi kay Bianca!

Vir Gonzales - Pang-masa
Ana Roces �makaluma� ang style ng pang-aapi kay Bianca!
Ana Roces

MANILA, Philippines — Parang sa Sampaguita Pictures ang tema ng pagkokontrabida ni Ana Roces kay Bianca Umali sa serye nitong Sahaya sa GMA-7. Nakaka-relate pa rin naman ang ilang mga dating tagahanga noon sa ganitong tema ng istorya.

May nagtatanong, bakit may bading na kaibigan si Miguel Tanfelix sa nasabing serye, eh hindi po ba’t parang bawal ang beki sa relihiyong Islam? Paano ito nakalusot?

Lito malaki rin ang naitulong sa mga stuntman ng AP

Hindi maikakaila na malaki ang naging tulong ng paglabas sa FPJ’s Ang Pro­binsyano ni Lito Lapid kaya naka-number four siya sa line up ng mga tumatakbong senatorial candidate. Mapupuna ding hindi na siya nag-a-advertise tulad ng iba na boring at nakakasawa na sa pandinig, paulit-ulit na rin pati ang mga pangako sa taong bayan.

Malaking bagay din ang pagtulong ni Lito na maisama sa proyekto ng Ang Probinsyano ng mga stuntman at mabigyan ng trabaho. Malaki ang ambag ng mga stuntman sa takbo ng istorya ng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Teka totoo bang parang nalulunod na rin sa tagumpay si Coco? Ibang iba na raw kung magbitiw ng pananalita ngayon. Naku huwag naman sana digital na ang karma ngayon.

Audition ng ABS-CBN para sa Darna role, eklay lang?!

Ano kaya ang magiging epekto ng pa-audition ng Kapamilya sa pagkuha ng gaganap na panibagong Darna matapos itong iwanan ni Liza Soberano?

Kung saan-saan na naman hahagilapin ang mga nag-aambisyong gumanap sa nasabing role, eh halata namang ang ending niyan ay isang sikat pa ring Kapamilya actress ang mapipili, lalo’t ang napipisil nila eh si Nadine Lustre.

Kawawa naman ang mga umaasa kung mauuwi lang sa wala ang pangmalawakang audition.

Super Tekla kinakabog si Vice sa pananamit

Ayaw patalbog ni Super Tekla sa mga outfit ni Vice Ganda, maging sa mga kasuotang gamit sa kanyang show every Sunday with Boobay.

Maraming nakakapansin na mas agaw-atensyon ang kaayusan ni Tekla ngayon kesa kay Vice Ganda na pulos blond long hair lang palagi ang suot.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to May born celebrants:

Dr. Hayden Kho, May Villarica, Rochelle Pangilinan, Dean Amado Valdez at Ex Governor Tingting Cojuangco.

Condolences…

Our deepest condolences sa Santiago family sa pagyao ni Mr. Kim Fokoda ng Kintaro Resto Bar sa Baliwag, Bulacan. Asawa ng dating singer na si Carol Santiago-Fokoda si Mr. Kim.

Naging kaibigan ng showbiz people si Carol at maraming celebrities ang nabigyan nya ng trabaho noon sa Kintaro.

vuukle comment

ANA ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with