^

Pang Movies

TV5 walang masyadong ganap!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Bakit kaya walang sigla ngayon ang Kapatid network o ang TV5? Sayang kasi, kung malalagyan sana ito ng mga programang magaganda, tiyak na le-level na rin ito sa ABS-CBN at GMA-7.

Dati naman ay matunog ito nang magsimula sila, pati na ang Radyo Cinco. Nandiyan ang mga batikan at walang takot na broadcaster tulad ni Cristy Fermine at ang idolo ng mga naaapi na sina Raffy, Erwin, at Ben Tulfo. Idagdag pa riyan si Dr. Edrenille ng programang Hiling Galing, na talaga namang grabe ang mga gamot na ipinapayo sa mga tagapakinig na may mga sakit, specially ‘yung healing oil na napakabisa dahil isa ako sa nakasubok na.

Bukod sa programa nila ay marami pang ibang balita sa Radyo Cinco ang maririnig noon at pati mga ibang artista ay naglipatan noon sa Channel 5, anong nangyari? Saan na sila? Sana ngayong 2019 Kung ano man ang plano ng Ka-patid network, kung maganda tuloy ninyo.

Ilang Kapuso stars marunong nang umarte!

Ano ba yan, puro luka-luka ang mga aktres sa noontime prime ng GMA-7 na Ika-5 Utos. Sina Geli de Belen, Sheena Halili, Kim Rodriguez at Jean Garcia. Pero yun kasi ang role nila sa story. In fairness puro magagaling silang umarte, at pansin ninyo puro mga babae ang mga salbahe sa story sa nasa-bing serye. Sa My Special Tatay si Teresa Loyzaga, at sa Onanay si Cherie Gil.

Okay din ang akting ng former child star na sina Jillian Ward, Kate Valdez, Rita Daniela, Thea Tolentino, Jeric Gonzales at iba pa na wa ko knows ang names, pero ang akting naman ay may hugot din, may malayong mararating sa larangan ng showbiz.

Kung nasisinok na kayo lalo na roon sa mga reklamador na homeviewers ng mga TV series, well, matutuwa naman kayo sa bagong show ng GMA-7 Kapuso sa comedy-action na TODA One I Love nina Kylie Padilla and Ruru Madrid. Ang ganda kaya! nakakaaliw.

Another new show uli ng GMA-7 na pang alis stress naman ang handog ng Sunday night show na The Boobay And Tekla Show na talaga namang maiihi ka sa katatawa. Magaling huh! Pero ang nag-iisang show na walang katinag-tinag ang pagiging top rated walang iba kundi ang show nila Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon, ang Eat Bulaga.

Condolences...

Eternal rest grant unto the soul of Suzette Guansing. May you rest in peace now and forever. Taos pusong pakikiramay sa Guansing family. Nakahimlay ang kanyang labi sa St. Peter Quezon A-venue, Q.C.

Si Suzette ay member ng Oasis Of Love, pa-mangkin ko siya, ang ama niya ay cousin ko, si Ci­ling Guansing.

vuukle comment

GELI DE BELEN

SHEENA HALILI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with