^

Pang Movies

Whisper, mapapanood na sa GMA

Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula ngayong Lunes (Enero 7), inihahandog ng GMA Heart of Asia ang isa sa mga pinakasasabikang Korean courtroom drama na siguradong babago sa inyong umaga.

Pinamagatang Whisper, itinatampok ng Koreanovela ang dalawang taong lalabanan ang korupsyon sangkot ang pinakamakapangyarihang law firm – ang Taebak.

Gaganap si Lee Sangyoon bilang Miguel Shin, isang judge na kilala sa kanyang pagiging makatarungan at patas.

Bibigyang-buhay naman ni Lee Boyoung ang karakter ng isang masipag na detektib na si Diana Shin.

Nang ma-frame up ang kanyang ama sa kasong murder, ibinigay ni Diana kay Miguel ang mga ebidensyang magpapatunay na inosente ito. Ngunit, pinatawan pa rin ni Miguel ng guilty ang kanyang ama.

Bilang paghihiganti, gagawa si Diana ng video kung saan mistulang ginahasa siya ni Miguel. Babantaan din niya ito na ipapakalat ang video kapag hindi nito sinunod ang mga utos niya.

Subalit, isang kaso ang babago sa kanilang buhay. Magiging magkasangga ang dalawa sa paglaban sa korupsyon at parehong iaalay ang kanilang buhay para sa kanilang relasyon.

Tunghayan ang kanilang makapigil-hiningang kwento sa Whisper simula ngayong Lunes (Enero 7) pagkatapos ng Don’t Dare to Dream sa GMA-7.

vuukle comment

WHISPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with