^

Pang Movies

Archie at Gee kasal na

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Archie at Gee kasal na
Archie Alemania at Gee Canlas

Ang 40-year-old actor-comedian at dating TV host, singer- dancer at celebrity endorser na si Archie Alemania took another step sa kanyang buhay nang siya’y magpakasal sa actress-host na si Gee Canlas. Ang dalawa ay ikinasal sa isang garden wedding sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna nung nakaraang Sabado ng hapon, October 27 na dinaluhan ng ilang celebrities at mga kasamahan sa long-running gag show na Bubble Gang tulad nina Michael V., Juancho Trivino, Ashley Rivera, Chariz Solomn at Mikoy Morales.

It was only two months ago, August 27 nang mag-propose si Archie kay Gee sa taping ng nagtapos na TV series, Inday Will Always Love You kung saan pinalabas na guest kunyari sa nasabing serye si Gee. Sa gitna ng take ni Gee ay biglang lumapit sa kanya si Archie, lumuhod at saka nag-propose sa gulat na gulat na si Gee.

Sina Archie at Gee ay naging mag-on in 2011 pero nag-break two years later pero muli silang nagkabalikan years after.

Naniniwala si Archie sa kasabihang ‘life begins at 40’ kaya ngayon pa lamang siya magsisimula ng sarili niyang pamilya kasama ang brand-new wife niyang si Gee.

Nash nagpapaka-tatay na!

Personal na pinabulaanan ng 20-year-old young Kapamilya actor na si Nash Aguas na pinagsabay niya ang dati niyang  kasamahan sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit at  ka-loveteam na si Alexa Ilacad at ang Kapuso actress na ngayon na si Mika dela Cruz.

Sa presscon ng horror-thriller-romance movie na Class of 2018 na dinirek ni Charliebebs Gobetia ng T-Rex Entertainment Productions, klinaro ni Nash na wala na umano sila ni Alexa when he started courting Mika na nagsimula nang muli silang magkita sa reunion party ng Goin’ Bulilit graduates na ginanap sa bahay ng actor-director na si Edgar “Bobot” Mortiz kung saan dumalo si Mika.

Ayon kay Nash, nag-iba umano ng direksiyon si Alexa na gustong mag-focus sa kanyang singing career.

At 20, nakapag-invest na rin si Nash ng lote sa Tagaytay at San Jose, Del Monte, Bulacan at isang bahay sa Las Vegas, Nevada.

Magmula nang maghiwalay ang kanyang parents when he was still a kid ay natuto si Nash na tumayong `padre de familia’ sa kanyang ina at nakababatang kapatid na si Chloe at maaga umano siyang nag-mature dahil sa responsibility na ito na iniwan ng kanyang estranged father na naka-base ngayon sa Amerika.

Taos-pusong pakikiramay…

Mula sa amin dito sa Pang-Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng ating mga kasamahan sa panulat na sina Bong de Leon at Bayani San Diego at maging sa ama ng magkapatid na Rannie at Lance Raymundo na si Nilo Raymundo, mister ng dating actress na si Nina Zaldua.

vuukle comment

ARCHIE ALEMANIA

GEE CANLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with