^

Pang Movies

Star Hunt dadayo sa Bulacan at Cavite

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy pa rin ang paghahanap ng mga susunod na bituin sa Star Hunt.

Nagsimula ito noong Biyernes (Mayo 11) hanggang ngayong Linggo (Mayo 13) sa Starmall, San Jose Del Monte, Bulacan at sa Vista Mall Daang Hari, Cavite.

Ito ay bukas para sa Star Dreamers na may boses na palaban at pangmalakasan, todo kung humataw at sumayaw, may talent na kakaiba at world class, may one-of-a-kind personality at nakaka-inspire na story.

Naganap na ang auditions para sa mga sumaling teens na may edad 13 hanggang 17 noong Biyernes (May 11) at kahapon naman, Sabado (May 12), ay sa adults o may edad 18 pataas at sa kids naman na may edad 3 hanggang 12 ngayong Linggo (May 13).

Mag-audition na para sa pagkakataon na maging bahagi ng Kapamilya shows na maaring maging susi sa kasikatan mo tulad ng The Voice of the Philippines, I Can See Your Voice, Tawag ng Tanghalan, Dance Kids, Pilipinas Got Talent, Little Big Shots, MMK, Pinoy Big Brother at upcoming dance competition na World of Dance Philippines.

Huwag palalampasin ang pagkakataong ito at hanapin na ang inyong star sa Star Hunt ngayong weekend sa Bulacan at Cavite.

Tutungo rin ito sa Vista Mall sa San Fernando, Pampanga mula May 18 hanggang 20 at sa Veranza Mall at KCC sa General Santos City mula May 25 hanggang 27.

vuukle comment

STAR HUNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with