^

Pang Movies

Baby Zia isang taon na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Baby Zia isang taon na
Baby Zia at Marian

Happy first birthday today, November 23 to Letizia Gracia Dantes o Baby Zia, ang unica hija ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rive­ra. Tulad ng sabi nina Dingdong at Marian, walang big birthday party na magaganap. Isa lamang simple celebration na kasama ni Zia ang family niya sa both sides. 

Ang katwiran ni Dingdong nang huli namin siyang makausap, silang pamilya lang daw talaga ang makakasama ni Zia dahil hindi pa naman nito maa-appreciate ang malaking selebrasyon, pero sisigu­raduhin nilang pagdating ng araw ay maiintindihan na rin ito ni Zia.

Percida Acosta humirit ng patas na pagbabalita sa entertainment press

May halong lungkot ang special lunch na inihandog ni Dr. Persida V. Rueda Acosta sa mga kaibigan sa entertainment media. Pero pinasaya naman niya ang mga bisita sa pamamagitan ng paghahandog ng mga paborito niyang awitin. Maganda pala ang boses ng Chief Public Attorney ng Public Attorney’s Office (PAO) at nag-request din siya ng songs mula naman sa entertainment press. Hindi naman siya nabigo dahil marami rin sa mga kasamahan namin ang  talagang magaganda ang boses.

Ipinauna na ni Atty. Persida, na like a true soldier, susunod lamang siya sa iuutos ng kanyang mga superior.  By December kasi ay malalaman na kung sinu-sino ang mga mapipiling justices ng Supreme Court at isa siya sa mga kasali roon.

“Ayaw ko mang iwanan ang maraming taong tinutulungan ko at kayong mga kaibigan ko sa press na tumutulong sa akin at sa aking opisina para malaman ng mga tao ang nangyayari rito, kailangan kong sumunod sa utos sa akin,” pahayag ni Atty. Persida. 

“Hindi ko rin po pinangarap na maging justice ako, payak lamang na­man ang buhay ko, pero hindi ko ini­aalis ang mga pangaral sa akin ng mga magulang ko, na sumunod ako kung ano ang iuutos sa aking ng mga nakataas sa akin. Gusto ko lamng tumulong sa mga tao sa abot ng kaya ko.

“Kaya kung palarin akong isa sa mapili, mababago na ang lahat sa akin, pero nangangako ako na magiging pantay ang mga desisyon na gagawin ko, para sa mga taong nangangailangan ng tulong.”

Maraming tanong na sinagot si Atty. Persida, at humihingi pa rin siya ng tulong sa entertainment media, na maging fair din sa pagbabalita. Ngayon pa lamang, binabati na namin si Atty. Persida dahil nakatitiyak kami na isa siya sa mapipiling justice ng Supreme Court dahil isa siya talagang lingkod ng bayan, lalo na sa mga mahihirap.

Fans abangers na sa showing ng Enteng...

Marami nang fans kabilang ang AlDub Nation ang nagtatanong kung kailan nila mapapanood ang Enteng Kabisote 10 and The Abangers ni Bossing Vic Sotto. Nalungkot kasi sila, lalo na ang mga batang sanay nang manood ng mga pelikulang ipinalalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF) tuwing December na hindi pala ito pinalad na makasali sa top 8 entries ng festival. 

Ayon sa AlDub Nation naman, tiyak daw ang suporta nila sa movie ni Bossing dahil bukod sa nakaaaliw, kasama pa ang kanilang paboritong love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza, na may special participation sa movie na dinirek nina Marlon Rivera at Tony Reyes, Jr.

We will keep you posted kung matutuloy ang showing ng Enteng Kabisote sa November 30 or sa December 7, days before the MMFF sa December 25.

vuukle comment

BABY ZIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with