^

Pang Movies

Dancer nagpa-padding para lumuwa ang boobs!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Kaya raw sexy ang dibdib ng isang dancer sa mga show ay dahil may padding ang ubod ng lapad at tulis ang suot niyang bra. Kaya kung titingnan mo nga naman sa TV screen ay ubod ng laki ang kanyang suso!

Hmmmp! Lakas mo mameke ineng!

Dan Fernandez maraming plano sa Sta. Rosa

Christmas is just around the corner. Ramdam na ramdam na ito dahil 5 p.m. pa lang ay madilim na, lalo na dito sa amin sa Sta. Rosa, Laguna. Ang aming bagong ama sa Sta. Rosa ay si Mayor Dan Fernandez, former Congressman ng 3rd district of Laguna.

Halos katatapos ng National Election, sa madaling salita, hindi pa gaanong nag-iinit ang puwet ng poging mayor sa kanyang pagkakaupo sa pwesto pero gusto niya at ng kanyang mga kaalyado sa gobyerno na marami silang ma-accomplish para sa bayan at mamamayan.

Priority nila ang katahimikan, kalinisan, drugs free-community, pagkain para sa lahat, edukasyon, at kalusugan. Nais din nilang ayusin ang Government Hospital (Sta. Rosa Community Hospital).

For your information, at para na rin sa kaalaman ng mga hindi gaanong knows kung sino si Danilo Fernandez, isa siyang magaling na artista sa pelikula at telebisyon. Feel na feel ng mga taga-Sta. Rosa ang ganda ng Paskong sasapit ngayong 2016 dahil magaling din siyang mamuno.

Kris may mga demand pa

Parang tameme raw ngayon ang showbiz career ni Kris Aquino. Ang pagkakaalam namin ay may network na kukuha sa kanya, kaya lang hindi pa tapos ang kanilang pag-uusap. May gustong gawin si Kris para sa kanyang show pero hindi yata ito pinagbigyan.

Kung ano pa man iyon, may karapatan si Kris na mag-demand ng gusto niya na inaakala niyang makakatulong sa kanyang showbiz career. Hindi naman siya pipitsuging artista ‘no? Matalino at magaling na host si Tetay.

Hindi komo’t hindi na siya presidential sister ay hindi na siya pwedeng mamili or mag-demand sa papasukin niyang bagong trabaho at dededmahin na lang siya! Huwag naman!

Tekla at Donita nakakapagpautot ang pagpapatawa

Malakas ang hugot sa Wowowin show ng GMA-7 hosted and produced ni Willie Revillame. Nang una kong makita si Willie ay barkada siya nina Aga Mulach, Randy Santiago, at ilan pa. Bagets na bagets pa siya noon.

Kung hindi ako nagkakamali, For The Boys ang title ng TV show nila noon. At lalo ko pang nakilala si Willie dahil kay Princess Punzalan.

Kahit noon pa man, si Willie ang tipo ng taong kahit barya na lang ang laman ng bulsa ay ‘pag may nanlimos bibigyan niya. Super baba rin ng kalooban ni Willie lalo na sa mga oldies.

Nais din naming tukuyin ang malakas na hakot nina Tekla at Donita Nose sa Wowowin. Kuwelang-kuwela sila as tandem at talagang mapapautot ka sa kanilang comedy skit na talagang pinapalakpakan.

vuukle comment

BOOBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with