^

Pang Movies

Pauleen at Vic beauty rest na para sa kasal bukas

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

In full force na nagpunta kahapon sa GMA Network Center ang mga produ at Dabarkads ng Eat Bulaga para sa kanilang contract signing.

Ang TAPE, Inc. ang produ ng Eat Bulaga at nag-renew sila kahapon ng kontrata sa GMA 7 kaya mananatili na Kapuso ang number one noontime show ng bansa.

In character bilang mga lola na dumating sa Kapuso Network sina Paolo Ballesteros, Wally Bayola, at Jose Manalo dahil nanggaling pa sila sa remote broadcast ng kalyeserye.

Missing sa contract signing sina Pauleen Luna at Vic Sotto dahil bakasyon na sila bilang bukas na ang pag-iisang dibdib nila. Beauty rest mode na si Pauleen at ganoon din si Bossing.

Jennylyn wanted sa hiwalayang Luis at Angel

Walang kinalaman si Jennylyn Mercado sa breakup nina Luis Manzano at Angel Locsin pero damay siya sa isyu.

Wanted si Jennylyn ng mga reporter dahil type nila na tanungin ang opinyon at reaksyon ng aktres tungkol sa hiwalayang Luis at Angel.

Bakit si Jennylyn? Dahil ex-dyo­wa niya si Luis at si Angel ang ipinalit sa kanya ng dating boyfriend. Hindi nagkakalayo ang kaso nina Luis at Jennylyn. Kung nakipag-re­concile si Luis kay Angel na ex-girlfriend niya, nakipagbalikan naman si Jennylyn sa ex-boyfriend nito na si Dennis Trillo.

Knowing Jennylyn, wala itong sasabihin tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nina Luis at Angel para hindi siya mapagbintangan na nakikisawsaw. Walang time si Jennylyn sa isyu ng ibang mga tao dahil maligaya sila ni Dennis.

Richard nagpapa-hardcore

Sa February 28 na pala ang pilot telecast ng Ang Panday na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Ibang Richard ang ma­papanood sa Ang Panday dahil ang balita ko, mas challenging ang karakter na gagampanan niya.

Nag-taping na si Richard sa disyerto ng Ilocos Norte at sa Kalayaan, Laguna.

Si Carlo Caparas ang creator ng Ang Panday at siya ang nakaisip na magkaroon ng prequel ang tele­serye ni Richard.

Tikom pa ang bibig ni Papa Carlo sa katauhan ng aktor na gaganap na kapatid ni Richard sa Ang Panday dahil ito raw ang dapat subaybayan ng televiewers.

Hardcore na exercise ang ginawa ni Richard para ma-achieve niya ang maskuladong katawan ng panday.

Binura ni Papa Carlo ang boy next door image ni Richard para maging credible ito na gampanan ang karakter na pinasikat ni Fernando Poe, Jr.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ANG PANDAY

EAT BULAGA

JENNYLYN

LEFT

LUIS

PAPA CARLO

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with