^

Pang Movies

Isabelle duster lang ang madalas isuot

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines –  Probinsyana ang role ni Isabelle Daza sa Tubig at Langis, ang bagong teleserye ng ABS-CBN kung saan makaka-love triangle niya sina Zanjoe Marudo at Cristine Reyes.

Sa mga eksena raw niya sa Tubig at Langis ay madalas na duster lang ang suot niya. Pero sa presscon kahapon ng Tubig at Langis, hindi mukhang probinsyana ang anak ni Gloria Diaz. Napakaganda at sexy ni Isabelle. Kitang-kita ang black bra-type na pangloob na suot ni Isabelle.

May long-time boyfriend si Isabelle, si Adrien Semblat, pero pagdating sa career ng dalaga, lalo na sa mga isinusuot ng girlfriend, hindi nakikialam ang boyfriend.

Malayang nakakatanggap ng mga proyekto si Isabelle basta gusto niya at hindi komokontra ang boyfriend.

Zanjoe ayaw gawing publicity ang hiwalayan kay Bea

Sa presscon pa rin ng Tubig at Langis, may paalala kaagad ang question and answer moderator na si Manay Ethel Ramos na tungkol lang sa show ang puwedeng itanong ng entertainment press sa cast members. Obvious na ang paalalang ‘yon ay para hindi na mausisa si Zanjoe Marudo tungkol sa break-up nila ni Bea Alonzo.

After nga ng Q&A, sa “backstage” na pinadaan ang cast members ng Tubig at Langis. Obvious na ayaw nang magsalita ni Zanjoe tungkol sa hiwalayan nila ni Bea. Obvious din na ayaw ng mga taga-Tubig at Langis na sa pagiging broken hearted ng bida nilang si Zanjoe mauwi ang publicity promo ng kanilang bagong teleserye.

Vivian maganda pa rin kahit tatlo na ang naging asawa

Hindi lang pala sa dating PBA player na si Paul “Bong” Alvarez ikinasal ang tinaguriang Ms. Body Beautiful na si Vivian Velez na isa rin sa cast members ng Tubig at Langis. Tatlo pala ang naging asawa ni Vivian, pero wala siyang karelasyon ngayon. Pero hindi pa rin naman isinasara ni Vivian ang chance na puwede pa siyang mag-asawa uli.

Legally seperated si Vivian sa mga lalaking pinakasalan niya at puro sa ibang bansa siya nagpakasal, kaya wala siyang problema. Noong araw nga pala ay pinag-aagawan din ng mga kalalakihan si Vivian, pero never daw niyang ginagawa na makipag-affair sa iba’t ibang lalaki ng sabay-sabay.

In fairness nga pala, ang ganda-ganda pa rin ni Vivian hanggang ngayon!

Andre tama ang piniling career

Hindi kasama sa cast ng Girlfriend for Hire ng Viva Films si Benjie Paras, pero nasa Music Hall siya kahapon kung saan ginanap ang presscon ng launching movie ng anak niyang si Andre Paras katambal si Yassi Pressman. Hindi naman nagpaka-stage father si Benjie dahil may idinaan lang yata siya kay Andre kaya siya nagpunta roon at umalis din kaagad.

Marami ang nagsasabing napakasuwerte ni Andre dahil sunud-sunod ang kanyang mga proyekto.

Sa Monday ay magpa-pilot telecast naman sa GMA 7 ang primetime kilig-serye nila ni Barbie Forteza, ang That’s My Amboy.

Tama ang desisyon ni Andre na sa acting career mag-concentrate at iwan na muna ang mundo ng basketball. Of course, mas kumikita ngayon si Andrei sa kanyang showbiz career!

vuukle comment

ACIRC

ADRIEN SEMBLAT

ALIGN

ANDRE PARAS

ANG

HINDI

LEFT

QUOT

STRONG

ZANJOE

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with