^

Pang Movies

Albert lalayasan na rin ng panganay na anak!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pinilit kayanin ni Albert Martinez ang pagtanggap niya sa pamanhikan ng family ng photographer na si Roy Macam sa panganay niyang anak na si Alyanna last Monday evening sa kanilang tahanan. 

Bago raw ang pamanhikan, kuwento ng manager niyang si Shirley Kuan, tinanong daw nila si Albert kung kaya nito ang gagawin at sabi nito, kaya raw niya. 

Tumayo raw si Albert, itinaas ang wineglass and said “I accept..” pero hanggang doon na lamang ang nasabi niya at silence na ang kasunod, marami ang umiiyak sa mga guests at pagkatapos ng long silence, ang nasabi na lamang ni Albert “cheers.”

“Iyon ang moment na alam ni Albert na kailangan niya si Liezl by his side, pero mag-isa na nga lamang siya ngayon,” sabi pa ni Shirley. “Malungkot si Albert dahil wala na nga si Liezl, ngayon naman ang mawawalay sa kanya ay si Alyanna dahil after her wedding with Roy, magma-migrate na sila sa States dahil doon siya naka-base. Sa ngayon kasama ni Albert sa bahay nila si Alyssa, si Alfonso naman ay siyang nag-aasikaso sa Lola Amalia nila.”

Cesar single pa rin daw!

Maraming bumati kay Cesar Montano sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap?, ang teledrama ng Viva at TV5, na mukha raw siyang mas bata ngayon.  Ang Akin Pa Rin Ang Bukas sa GMA 7 noong 2013 pala ang last drama series na ginawa ni Cesar kaya nang i-offer sa kanya ng Viva ang bagong serye, hindi siya tumanggi.

“Nang i-offer sa akin ito ni Boss Vic (del Rosario), hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin lalo na nang malaman kong ang director ay si Joel Lamangan at ang makakatambal ko, si Claudine Barretto. 

“Matagal ko nang gustong makatrabaho si Claudine at ito na ang pagkakataon. Tamang-tama naman na wala pa akong bagong project after ng ginawa kong movie na Nilalang sa katatapos na Metro Manila Film Festival 2015.”

In return, sinabi naman ni Claudine, na parang nakatanggap siya ng Christmas gift sa Viva nang sinabi sa kanyang makakatambal niya sa first project niya sa kanila si Cesar dahil matagal na rin pala niya gustong makatrabaho ang mahusay na actor. 

Na-prove naman ni Cesar na mali ang sinasabing unprofessionalism sa trabaho ni Claudine, biro pa niya sa presscon, unprofessional ba iyong nauuna pa itong dumating sa location sa generator na gagamitin nila?

Hindi naman nakaiwas si Cesar na sagutin ang tanong kung single ba siya or may girlfriend na ngayon. Single pa rin daw siya lalo pa at on-going pa ang annulment case niya, magiging point against sa kanya iyon.

AlDub malaking tulong GMA umabot na sa 2 billion ang kinita!

Binati ng GMA Network at binigyan nila ng credit ang AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub), for reaching P 2 billion ang earnings nila dahil sa pagtaas nito sa first nine months ng 2015 due to higher television advertising revenues. 

Credit also goes to the AlDub kalyeserye segment of long-running noontime show Eat Bulaga which features the romantic pairing of Alden and Maine which has lured millions of viewers and has drawn widespread coverage from local and international news outlets.  Nakagawa ang AlDub ng almost 20 TVCs na ipinalabas lahat sa GMA.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT

ALBERT MARTINEZ

ALDEN AND MAINE

ALDEN RICHARDS

ALYANNA

ANG

ANG AKIN PA RIN ANG BUKAS

CLAUDINE

NBSP

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with