^

Pang Movies

Richard praktisado na sa paghawak ng espada

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang sword fight-training bukas nina Richard Gutierrez at Christopher de Leon.

Si Boyet ang main villain ni Richard sa Panday series ng TV5 na sisimulang ipalabas sa 2016.

Si Annabelle Rama ang nakaisip na bagay kay Boyet na maging main villain ni Richard sa Panday series nang magkatsikahan silang dalawa ni Lolit Solis.

Si Manay Lolit ang manager ni Boyet.

Ayon kay Manay Lolit, sobrang na-excite rin daw si Boyet nang ibalita nito ang offer ng TV5 at Viva Television para maging main villain sa Panday series.

Ayon kay Bisaya, magsisimula nang mag-taping si Richard para sa Panday bagong mag-New Year, pero ang ibang cast, malamang na sa January na magsimulang mag-taping.

Sa Ilocos ang main set ng Panday.

Sa Ilocos din nag-shooting noon ang original Panday na si Fernando Poe, Jr. (SLN) ng kanyang Panday movie series.

Ayon naman sa Viva Television, marami raw mga sorpresa sa bagong Panday series ng TV5.

Samantala, positive ang feedback ng fans na ang Panday series ang comeback project ni Richard dahil kilala naman ang aktor bilang fantaserye king.

Nang i-announce nga ni Boss Vic del Rosario na si Richard ang bagong Panday, hindi niya kinalimutang sabihin din na pagbibidahan ito ng fantaserye king.

Sa rami na ng fantaserye series na pinagbidahan ni Richard, hindi maikakailang kanyang-kanya ang title na ‘yon!

Mag-trending kaya?

Annabelle iinterbyuhin din ni Karen Davila

Speaking of Bisaya, mamaya sila maghaharap ni Karen Davila sa Headstart ng ANC.

Hindi sana matutuloy ang guesting ni Bisaya sa show ni Karen para i-promote ang kanyang ‘Day, Hard! (Lakas ng Loob, Kapal ng Mukha) ng ABS-CBN Publishing dahil nagkaroon ng misccomunication sa mga taga-production.

Kanselado na sana mamayang 8:00 a.m. si Bisaya sa Headstart, pero nagawan naman ng paraan ‘yon at nakahanda raw ang nanay ni Ruffa Gutierrez sa kahit na anong itatanong sa kanya ng nasabing news diva.

Sey ni Bisaya, hindi siya kinakabahan na mag-guest sa Headstart dahil sa nangyari roon kay Alma Moreno.

Handang-handa na raw siya at hindi naman daw niya first time na makakaharap sa Headstart si Karen.

Nakapag-guest na raw siya noon sa show na ‘yon.

Nang tanungin si Bisaya kung gusto muna niyang ma-review ang mga itatanong sa kanya mamaya ni Karen, nagsabi siya na mas gusto niya na may element of surprise, kaya huwag na lang daw.

Mag-trending din kaya ang magiging guesting ni Bisaya mamaya sa show ni Karen like what happened sa guesting doon ni Alma?

Well…

Vic todo-promote ng pelikula, sumawsaw pati sa kalyeserye

Very hip-hop ang dating ni Vic Sotto noong Saturday sa kalyeserye segment ng Eat Bulaga.

Si Bossing Vic din kasi ang gumanap na Tatay Dodong ni Yaya Dub (Maine Mendoza).

Pati sa Cebu ay hinanap ni Yaya Dub kasama si Alden Richards at pati ng kanyang mga lola ang kanyang Tatay Dodong at noong Saturday nga, um-appear na ito na ginagampanan nga ni Bossing Vic.

Maraming natuwa na nagsayaw pa ang Tatay Dodong ni Yaya Dub.

Mukhang may kinalaman sa promotions ng Metro Manila Film Festival 2015 entry nila na My Bebe Love ang pag-appear ni Bossing Vic bilang Tatay Dodong ni Yaya Dub sa kalyeserye segment ng Eat Bulaga.

vuukle comment

ANG

AYON

BISAYA

BOSSING VIC

BOYET

EAT BULAGA

HEADSTART

KAREN DAVILA

PANDAY

TATAY DODONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with