^

Pang Movies

Lovi nagpapaka-emo sa Europe!

Jun Nardo - Pang-masa

Bakasyon mode muna si Lovi Poe after ng GMA series niyang Beautiful Strangers.

Nasa Europe ang aktres na nagsawa na yata sa Japan, huh!

Ang nakakaintriga sa biyahe ngayon ni Lovi, pamilya ang kasama niya at hindi ang boyfriend na si Rocco Nacino unlike nu’ng nakaraang trips nila. Feeling tuloy ng nakaamoy ng biyahe ng Primera Aktresa, mending a broken heart ang drama ni Lovi sa Europa!

Kapwa kasi tikom ang bibig nina Lovi at Rocco sa tsismis na hiwalay na sila. Ang pangit kasi ng sinasabing dahilan ng break up nila kung totoo, huh!

Ay, malamig ang Pasko ngayon sa dalawa kung totoo ang tsismis kahit next week ang balik ni Lovi, huh!

James tumatanggi na sa mga tukso

Bumalik sa poder ni Leo Dominguez ang aktor na si James Blanco.

Wala namang mabigat na rason ang aktor sa pag-alis sa dating manager. Basta ayon sa kanya, gusto niya ang style ng management ni Leo.

Nasa cast ngayon ng MariMar si James bilang Rodolfo.

Siya ang makakalaban ni Tom Rodriguez sa pag-ibig kay Megan Young. Eh kahit may mga anak na si James, guwapito pa rin ang dating niya. No wonder, may tukso pa ring umaaligid sa kanya.

“Napaka-ipokrito ko kung sasabihin kong walang nagpaparamdam sa akin. Siyempre, kahit anong edad natin, may dumarating na nagpaparam­dam.

“Siyempre with the help of my kids and my wife, siyempre sa tulong na rin ng Mahal na Panginoon, kailangan nating i-resist ‘yon eh. Kailangan na na­ting iwasan.

“May malalaki na akong anak eh. May isip na sila. Siguro, sa edad kong ito, it’s about time na lumayo na tayo sa temtasyon eh. Ang hirap eh. Mahirap mawalan ng pamilya eh!” saad ni James nang makausap ng ilang press.

Hindi raw kasi mahilig gumimik si James. Kaya ka­sama niya ang asawa’t anak kapag lumalabas siya.

Sa mga anak, ‘yung pa­nga­nay ang gustong mag-artista habang ‘yung se­cond child ay lumalabas sa teatro.

“In-explain ko sa kanila na ang pag-aartista, hindi biro eh. Passion ito. Hindi siya ito ‘yung bread and butter. Kailangang seryosohin. Dapat mag-aral muna sila. Wala namang problema sa akin kung gusto nilang mag-artista,” rason niya.

Isinama niya minsan ang panganay sa taping. Doon nakita ng anak ang hirap ng trabaho ng tatay nila.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

JAMES BLANCO

LEO DOMINGUEZ

LOVI

LOVI POE

MEGAN YOUNG

NASA EUROPE

PRIMERA AKTRESA

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with