^

Pang Movies

Bangayan sa Beautiful Strangers tuloy lang

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tuluy-tuloy ang mga maiinit na eksena habang papatapos ang seryeng Beautiful Strangers ng GMA 7.

Magagalit si Lawrence at agad na susugurin si Noel. Agad na papagitna si Joyce kina Lawrence at Noel. Ilalayo ni Jocye si Lawrence para umuwi. Papaaminin ni Lawrence si Joyce na may namamagitan sa kanila ni Noel pero hindi naman maipaliwanag ng malinaw ni Joyce ang pagkikita nila. Malalaman nina Alejandra, Salve at Ronaldo ang pag-aaway ng mag-asawa. Ronaldo tells them na hayaan ang dalawa na solusyunan ang problema nila.

Mapipilitan namang aminin ni Noel kina Kristine at Lourdes ang nangyari. Noel tells Kristine na kinausap niya si Joyce para itigil na ang paghihiganti nila dahil balak niyang mag-propose rito ng kasal pero hindi niya inaasahan na makikita sila ni Lawrence at magkakagulo.

Patuloy ang bangayan nina Joyce at Lawrence. Lawrence asks Joyce kung mahal pa rin ba nito si Noel. Joyce immediately affirms her love for Lawrence pero maririnig ito ni Alejandra. Alejandra interrogates Joyce if she is cheating on Lawrence.

Joyce denies Alejandra’s allegations. Nagmamakaawa si Joyce kay Lawrence na paniwalaan siya ng asawa pero hindi siya papakinggan nI Lawrence. Ilalayo naman ni Ronaldo si Alejandra para hayaan ang mag-asawa na mag-usap.

Ronaldo confronts Alejandra sa pangingialam nito kina Lawrence, Alejandra makes Ronaldo realize na kung totoong may affair sina Noel at Joyce ay pati si Krsitine niloloko nila. Alala si Ronaldo kay Kristine.

Dahil nabanggit na ni Noel ang plano ay tinuloy na ngayong mag-propose kay Kristine. Hindi naman tatanggapin ni Kristine ang alok ni Noel lalo na at nasa panganib ang relasyon nina Joyce at Lawrence. Doon naman darating si Ronaldo. He confronts Noel kung totoo ngang may affair sila ni Joyce.

Ipapaliwanag ni Kristine kay Ronaldo ang totoo na hindi siya niloloko ni Noel. Pagbabantaan ni Ronaldo si Noel na malalagot siya kung lolokohin niya ulit si Kristine. Alala naman sina Noel at Kristine sa lagay ni Joyce sa mga Castillo hindi na nila alam kung paano ito tutulungan.

Tampo pa rin si Lawrence kay Joyce. Alejandra finds a chance na pagsabihan si Joyce tungkol sa panloloko kay Lawrence. Masakit para kay Joyce na masira ang tiwala ni Lawrence sa kanya at masira ang relasyon nila samantalang si Alejandra ay unti-unting nabubuo ang pamilya. Paghihinalaan naman ni Alejandra ang pagkikita nina Noel at Joyce. Tatawagan ni Alejandra si Hannah at may ipapagawa sa kanya.

Ano nga kaya ang mga susunod na eksena sa pinagbibidahang kuwento nina Lovi Poe at Heart Evangelista?

vuukle comment

ALEJANDRA

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

HEART EVANGELISTA

ILALAYO

JOYCE

KAY

KRISTINE

LAWRENCE

NOEL

RONALDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with