^

Pang Movies

Derrick napiling gumanap sa role na pang-bading!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Matagal na kaming hindi nakakapanood, o nakakabalita man lang ng isang socio-cultural film na Pilipino, at iyon ang dahilan kung bakit naging interesado kami nang marinig namin iyang pelikulang Babaylan.

Sa pag-aaral ng history, ang mga Babaylan ay karaniwang mga spiritual leaders noong panahong bago dumating ang mga kastila sa bansa.

Sila rin ay kinukunsulta ng mga puno ng barangay kung ano ang panahon ng pagtatanim, mga gamot sa mga may sakit at kung anu-ano pa.

Kakaiba nga siguro ang kanilang concept, dahil bakit nga ba ang actor na si Derrick Monasterio ang pinalabas nila bilang Babaylan?

Base sa history at tradisyon, iyang mga babaylan ay karaniwang may edad na. Bukod doon karaniwan sila ay kabilang sa third sex.

Kasi ang paniwala nila noon, iyong mga bakla may kaisipan ng babae at lalaki, kaya ibig sabihin mas malawak ang kanilang pagkakaunawa.

Si Derrick ay bata pa naman, at hindi naman maiisip na gay. Lalaking-lalaki ang tayo at maganda pa ang pangangatawan.

Pero inamin naman nila, ang Babaylan, na balak nila ay ilabas muna sa mga iskuwelahan bago ang commercial theater run na sa susunod na taon na gagawin, ay hindi lamang purely educational kundi ginawa rin para sa entertainment.  Ibig sabihin, hindi fully informational kundi may fiction din. Isa na nga siguro roon ang personalidad ni Derrick. Naisip siguro nila, kailangan naman good-looking ang kanilang bida dahil kung hindi, at ang bida nila ay kamukha ni Amay Bisaya, baka mabagot naman ang mga manonood.

Ang nakita namin ay trailer lang. Pero sa palagay namin bumagay naman kay Derrick ang role.

May mga bahagi ang pelikula na “stylized” at inamin naman nila iyon. Kagaya nga noong ilang bahagi ng mga sayaw, at maging ang musika at kasuotan. Mahirap naman talagang maghanap ng mga expert sa ganyang mga bagay, at kung iisipin na iyan ay isang pelikulang indie lamang na hindi naman kalakihan ang budget, talagang mapipilitan silang mag-stylized.

Bakit namin binabanggit ang Babaylan. Kasi natutuwa kami na ngayon ay may mga gumagawa na ng mga pelikulang may kinalaman sa kasaysayan ng ating bansa.

At least may magawa man lang ang pelikula, dahil iyang pagtuturo ng Philippine history, inalis na rin ng gobyerno sa ilalim ng K-12 program, at pinalitan ng Asian history. Kaya kung walang mga ganyang pelikula, ano pa kaya ang malalaman ng mga kabataan sa kasaysayan ng ating bansa?

Baka rin sa pamamagitan ng indie na iyan, mapansin ang acting ni Derrick at makakuha siya ng magagandang chances sa kanyang career na hindi naman daw niya minamadali dahil nag-aaral siya ng Legal Management sa San Beda.

vuukle comment

AMAY BISAYA

ANG

DERRICK MONASTERIO

KASI

LEGAL MANAGEMENT

MGA

NAMAN

NILA

PERO

SAN BEDA

SI DERRICK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with