^

Pang Movies

Jeron at Jane split na?!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng sa Ro­binson Magnolia kahapon.

Nasa nasabing mall ang magkapatid dahil nanood sila ng sine ng kanyang pamilya.

Malapit lang sa nasabing mall ang bahay ng pamilya Teng.

Tuwang-tuwa ang ilang shoppers ng Ro­binson Magnolia nang makita ang magka­patid kahapon at panay ang pa-picture-ta­king kasama sina Jeric at Jeron.

Sa mga nagtatanong kung kasama ni Je­ron ang nali-link sa kanya na si Jane Oineza, negative ang sagot.

Hindi ko na rin inusisa pa si Jeron kung ano nga ba talaga ang relasyon nila ni Jane.

Samantala, focus naman si Jeron sa game nila ngayong 4:00 p.m. ng De La Salle University Green Archers laban sa Blue Eagles ng Ateneo de Manila University.

Kahit bawal, mga fans ni Regine, ayaw magpaawat sa kaka-picture

Pinayagang makakuha ng picture basta walang flash ang mga nanood ng Regine at the Theater concert series ni Regine Velasquez-Alcasid sa The Theater ng Solaire Resort and Casino noong Friday at kagabi.

May ilang pasaway na hindi lang picture ang kinunan sa concert kundi kumuha rin ng video, kaya sinaway sila ng mga taga-The Theater.

Kapag nakikitang nagbi-video, nilalapitan at pinagsasabihan sila.

Samantala, after ng kanyang concert noong Friday, binigyan si Regine ng stan­ding ovation ng mga nanood .

Gandang-ganda sila sa kakaibang concept ng Regine at the Theater concert series ng misis ni Ogie Alcasid.

Ang veteran entertainment writer/reviewer na si Mario Bautista ay gandang-ganda sa show.

Ayaw maniwala ni Tito Mario sa sinabi ni Regine na wala silang kinuhang direktor ng show.

Sabi ni Tito Mario, opening number pa lang ng show ay napakaganda na.

Nang puntahan namin sa backstage si Regine, sinabi niyang wala talaga silang direktor. Sila-sila lang daw nina Cacai Velasquez-Mitra, Raul Mitra at ibang mga kasama sa show ang nag-ayos no’n.

Wala nga pala sa show ni Regine noong Friday ang mister niyang si Ogie dahil nasa show naman ito ni Mr. Ryan Cayabyab sa Resorts World Manila.

Kagabi nanood ng Regine at the Theater si Ogie.

May dalawa pang shows ang Regine at the Theater, sa November 20 at 21.

PR ni Sen. Bongbong, hindi bagay sa showbiz

Dahil tatakbo sa pagka-Vice-President, panay na naman ang padala ng press releases ng office ni Sen. Bongbong Marcos sa ilang entertainment writers.

Hindi naman mapakinabangan ang press releases na ‘yon dahil wala namang kinalaman sa entertainment world.

Mas naisusulat ng entertainment press ang isa pang vice-presidentiable na si Sen. Chiz Escudero dahil may touch siya ng showbiz at mister siya ni Heart Evangelista.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BLUE EAGLES

BONGBONG MARCOS

CACAI VELASQUEZ-MITRA

CHIZ ESCUDERO

DE LA SALLE UNIVERSITY GREEN ARCHERS

HEART EVANGELISTA

JERON

REGINE

TITO MARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with