^

Pang Movies

Wow, kabogero na talaga Alden may mga security na sa dinadaanang lugar!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Na-delay man ang flight ni Alden Richards last Friday papuntang Cebu City para sa Grand Kapuso Fans’ Day sa isang mall, nakarating naman siya sa takdang oras ng performance niya, huh!

Galing pa sa Eat Bulaga si Alden bago lumipad. Eh, lipad agad siya matapos ang Kalyeserye nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza). Mabuti na lang, bago umalis, ‘yung naka-assign na security niya ay nagkaroon na ng ocular sa dadaanang lugar upang hindi maipit sa traffic. Saka humupa na ang bagyong Kabayan!

Eh sa Balita Pilipinas ng GMA News Network nu’ng Biyernes ng hapon, sandamukal na ang mga tao na gustong makakita kay Alden, huh! Eh ayon sa isang taga-Kapuso na naka-witness sa fans day na ‘yon, umabot sa halos 20,000 ang tao! ‘Yun na raw ang pinakamalaking crowd na dumating sa okasyon, to think na nag-iisang performer lang si Alden, huh!

As of this writing, umere na ang Bulaga. Waley si Paolo Ballesteros! Nabasa namin earlier ang tweet ni Paolo na wala siyang masakyan. Paano raw niya mawi-witness ang pagkikita ng AlDub sa Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon na nahilingang kumanta ni Lola Nidora (Wally Bayola).

Siyempre pa, ang hashatag na #ALDUBMeetsTVJ ay pinupulbos ang kalaban sa Twitter world! Naka-10 million sila sa pagtatapos ng programa.

Gaya ng dati, effort na naman ang It’s Showtime kahapon. Nasa Biñan, Laguna sila habang nasa Broadway Centrum lang ang AlDub!

Alaga ni Kuh na si Migo pasok sa Final 14 ng SS6

Napili na ang Ultimate Final 14 ng Starstruck last Friday. Isa na riyan ang 15 years old na si Migo Adecer. Ipinanganak siya sa Bacolod pero lumaki sa Sydney, Australia.

Pero malaki ang naging bahagi ni Kuh Ledesma na ipagpatuloy ang kanyang passion sa pagkanta. So mula Australia, pinatira siya ni Kuh sa kanilang bahay at pinalad naman ang bagets na mapabiling sa Final 14 ng GMA reality talent show.

Eh pareho silang Christian ni Kuh kaya naman nagkakasundo sila tuwing umaga na nagkakaroon ng praise and worship sa bahay at nagbabasa ng verses sa Bible.

“Sabi kasi sa akin ni Kuh, she wouldn’t have taken me as a talent kung hindi ako mature Christian,” saad ni Migo sa interview sa entertainment press. “Every morning that we wake up, we do praise and worship. Read a verse from a Bible, then Bible study tayo then repeat,” tsika niya.

Eh pagdating naman sa babae, nagkaroon na rin naman daw siya nu’ng mas bata pa. Pero aniya, “Fake girlfriends ‘yon! Ha! Ha! Ha!

Ang isa sa crushes naman niya sa showbiz ay si Sarah Geronimo.

“I saw her perform live at the Music Museum! Ang galing niya! That was last year and I saw her perform Ikot-Ikot lang. ‘Yung aura na ibinibigay niya sa stage, she’s having fun. She is not performing.

“Hindi ko pa siya na-meet pero ‘yung anak si Kuh Ledesma, went to an event and saw Sarah. She told her siya ang crush ko. Tapos, sent photos to me. ‘Sayang, you didn’t come!’ Ha! Ha! Ha! Almost but almost is never enough!” kuwento ni Migo.

Sa Kapuso stars naman, si Megan Young ang malakas ang dating kay Migo.

Dahil sa Felix Manalo, mga motoristang dumaraan ng NLEX binabalaan sa mabigat na traffic

Babala ngayong araw sa mga motoristang dumaraan araw-araw sa NLEX – premiere night ng pinakamalaking local movie ng taon na Felix Manalo sa Philippine Arena! Inaasahan ang 30,000-40,000 na katao ang dadalo ng nasa­bing event.

Nakaka-excite ngang manood ng premiere dahil sa five-storey screen na paglalabasan ng movie. First time ‘yon sa local cinema kaya naman invited daw ang taga-Guinness World Records upang itsek ang screen na ‘yon.

Anyway, more than anything else, ang ganda ng kabuuan ng movie ang inaabangan dahil Graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB), huh!

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BALITA PILIPINAS

BROADWAY CENTRUM

CEBU CITY

FELIX MANALO

KUH

KUH LEDESMA

MIGO

NAMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with