^

Pang Movies

Labanan ng Showtime at Eat Bulaga, panalo ang viewers

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Sa kasalukuyang “labanan” na namamagitan between the noontime shows, It’s Showtime at Eat Bulaga, na sobra kung mag-effort para mahigitan ang karibal, as far as entertainment and content are concerned, guess who are the winners?

Eh, ‘di tayong viewers.

Kaya, palakpakan natin ang ating mga sarili.

Sen. Bong dinalaw ng sangkaterbang kaibigan sa Camp Crame

Palakpakan din natin, Salve A., si Senator Bong Revilla for having so many friends na naalala siya sa kanyang birthday.

Senator Bong turned 49 last Friday, Sept. 25.

Dumating ang kanyang buong pamilya na siyempre ay pinangunahan ng kanyang asawa na si Bacoor Congresswoman Lani Mercado. Namataan din namin si Cavite Vice Governor Jolo Revilla, but minus his girlfriend, Jodi Sta. Maria na nagte-ta­ping daw for Pangako Sa ’Yo.

Vice Gov. Jolo was later joined by his son (with Grace Adriano), Gab, who came with two of Senator Bong and Lani’s beautiful daughters.

Sumunod sa kanila si Brian, the couple’s eldest son.

Big surprise raw para kay Senator Bong ang pagdating ng dalawang apo kay Ina, their eldest daughter, na kasama ang amang si Vince del Rosario.

Davao based ang mag-asawa.

May mga kilalang politicians na duma­ting, pero mas mabuti kung hindi na natin sila pangalanan.

Dalawang kilalang executives ng GMA 7 na sina Reggie Magno at Marvin Arayata ang nakasalamuha ng entertainment media na dumalaw. Naunang dumating sa kanila si Mother Lily, na apat na araw din palang na-ospital for dengue.

But she’s now up and about.

Ang ganda lalo ngayon ni Pauleen Luna, na sinabing sometime next year pa pala nila itinakda ni Vic Sotto ang kanilang kasal.

Kabilang pa rin sa mga artistang dumating ay sina Bayani Agbayani, Alfred Vargas at mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado na dalawa na pala ang anak. Parehong babae, ages 11 and four, respectively.

Bagama’t nakadalaw na raw si Andeng Ynares, misis ng Antipolo City Mayor na si Junjun Ynares, sa kanyang Kuya Bong the day before his birthday. Bacoor Mayor Strike Revilla came with wife, Chaye Cabal, who announced na today na ang staging ng PLDT Gabay Guro sa MOA (Mall of Asia).

Inaasahan ang pagdalo ng more than 20,000 teachers all over the country.

Well, worth it ang kanilang pagdalo, ani Chaye. ‘‘Not only because the occasion is dedicated to them kundi maraming papremyong cash, properties at iba pa  na kasali ang mga teacher na dadalo.

Nasa eight year na raw ang Gabay Guro, kung saan inaasahan din ang pagdalo ng mga kilalang entertainers sa bansa.

Kim at Xian sinimulan ang balik-tambalan

May bagong series na aabangan ang mga tagahanga nina Kim Chiu at Xian Lim.

Titled The Story of Us. Kasalukuyang nagte-taping na sila for the series.

Individually, though, both are busy. Kim’s in the cast of the soon-to-be released Etiquette for Mistresses, which also stars Kris Aquino, Cheena Crab and Iza Calzado. Plus Claudine Barretto, na nagka-comeback in this Star Cinema movie.

Xian, on the other hand, is still shooting with Batangas Governor Vilma Santos and Angel Locsin, with Joyce Bernal directing sa pelikulang wala pang title.

Siya ay gaganap bilang spoiled son ni Ate Vi.

Right now, obvious na hindi na itinatago nina Kim at Xian na, yes, may ‘‘something’’ na between them. Na labis ipinagdiriwang ng kanilang mga tagahanga.

Kasama sila sa most appreciated performers sa katatapos na 6th anniversary presentation ng It’s Showtime yesterday, Sept. 26, na ginanap sa Ara­neta Coliseum.

vuukle comment

ACIRC

ALFRED VARGAS

ANDENG YNARES

ANG

ANTIPOLO CITY MAYOR

ATE VI

BACOOR CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

BACOOR MAYOR STRIKE REVILLA

GABAY GURO

SENATOR BONG

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with