^

Pang Movies

Glaiza pagsasabayin ang concert at bakasyon!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natutupad na ni Glaiza de Castro ang mga pangarap niya at isa na rito ang major solo concert niyang Dreams Never End na gaganapin sa Music Musem sa October 3. Matapos nga niyang i-post sa kanyang Facebook na available na ang tickets, sold out daw agad ito in 25 minutes, huh!

“Siguro, in-anticipate na nila ‘yung concert kaya agad silang nagbilihan,” sambit ni Glaiza sa pocket interview na bigay ng GMA Artist Center. Kumbinasyon daw ng rock, pop at ballad ang laman ng concert niya dahil halos lahat ng mga kantang ‘yon ay pinagdaanan na niya.

“Gusto ko ring maka-relate ‘yung mga tao. Hindi lang ‘yung rock songs na ginaga­wa ko dati sa Sunday All Stars at Party Pilipinas. So magbibigay ako ng kanta ko at kakantahin ang kanta na alam nila,” pahayag ng aktres.

Ilan sa guests ay sina Kitchie Na­dal, Aiza Seguerra, Jay-R, Regine Velasquez, at Rhian Ramos.

“Ang dami kasing nagri-request kay Rhian after ng The Rich Man’s Daughter. In a way, parang thank you na rin namin sa kanila,” rason niya.

After ng concert, bibiyahe sa Singapore at ilang lugar sa Canada si Glaiza na sasamahan na niya ng bakasyon.

Dalawang aktor na naki-birthday, nagregalo ng give away T-shirt!

Kaloka ang dalawang aktor nang maimbitahan sa isang birthday ng hindi taga-showbiz. Isa sa kanila ang may konting name at isa ay wala pang masyadong name. Kaya isang regalo lang ang bigay nila.

Nang umalis kasi ang dalawang aktor, curious na tiningnan ng may birthday ang regalo. Naloka ang may kaarawan dahil simpleng T-shirt na give away ng iniendorsong produkto ang bigay, huh!

At magkasama sa greeting card ang name ng dalawang aktor. Package deal ang drama nila maski na sa regalo, huh!

AlDub Nation sikreto kung ilang tweets ang gagawin

Walang pagmamayabang ang AlDub Nation sa bilang ng tweets na gagawin ngayong araw na ito sa inaabangan na namang episode ng kalyeserye ng Eat Bulaga. Request lang ng Bulaga, mag-pose ng picture sa Twitter na may Pabebe Wave!

Kahit inaasar naman ang creative ng kalyeserye at bina-bash ang AlDub loveteam, cool lang silang lahat. Nananatili silang humble at ipadarama na lang ang pagmamahal sa idolo sa bawat episode ng kalyeserye!

vuukle comment

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ANG

ARTIST CENTER

DREAMS NEVER END

EAT BULAGA

GLAIZA

KITCHIE NA

MUSIC MUSEM

PABEBE WAVE

PARTY PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with