^

Pang Movies

Jasmine ayaw nang magpaka-bitter

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Good friends naman pala sina Jasmine Curtis at Sam Concepcion nang magkahiwalay. Sa katunayan, may ginagawa silang stageplay.

Maliit lang daw ang mundong ginagalawan nila kaya ayaw ni Jasmine na maging akward sa ex lalo na nga’t magkatrabaho sila ngayon.

Hindi rin marunong magtanim ng galit si Jasmine at ayaw na maging bitter kaya tanggap na niya ang nangyari sa kanya.

More focus ngayon si Jasmine sa kanyang career kahit may nagpaparamdam na manligaw sa kanya tulad nga ng anak ni Sen. Grace Poe na si Brian. Pero alam naman daw ni Brian kung ano ang priority niya ngayon kaya hindi niya ito pinaasa kaya na-friendzone agad ang binata ni Sen. Grace sa aktres.

Nanay ni Heart excited sa kampanya

Speaking of Sen. Grace, sa tambalan nina Chiz Escudero sa darating na eleksyon, ngayon pa lang ay bumubuhos na ang suporta sa kanila ng mara­ming artista.

Hindi lang sa part ni Grace na galing sa angkan ng mga artista. Hindi makakaila na inani ni Grace ang magandang sinimulan ng kanyang amang si FPJ na walang maipintas pagdating sa pakikisama kahit sa malilit na manggagawa sa showbiz.

Hindi rin maiiwan si Chiz na support mula sa showbiz sa pangunguna ng kanyang asawang si Heart Evangelista. Ngayong may basbas na ang kanilang pagsasama nina Chiz at Heart ng mga magulang ng TV host/actress wala nang mapupukol na masamang isyu sa kanilang pagsasama. Katunayan mas excited pa ang mommy ni Heart na mangampanya ngayon para sa kanyang manugang na kakandidatong bise presidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

GRACE POE

HEART EVANGELISTA

JASMINE CURTIS

KATUNAYAN

MALIIT

SAM CONCEPCION

SPEAKING OF SEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with