^

Pang Movies

Albert ayaw pagtakpan ang mga kalokohan ni JM

- Vinia Vivar - Pang-masa

May tsikang lumalabas na babalik daw ulit si Albert Martinez sa seryeng All of Me dahil diumano ay gusto na raw tanggalin si JM de Guzman na balitang nagiging sakit na naman ng ulo ng produksyon.

Timing na nasa presscon si Albert ng Ang Probinsyano last Monday night kaya ito ang isa sa itinanong sa kanya.

“Hindi ko alam, unless they present a new. . .kasi, sa akin, ang talagang commitment ko lang is doon sa pilot. Now, kung babalik ako, they have to present panibagong. . .” sabi ni Albert.

Matatandang si Albert ang napanood sa pilot week bilang si Manuel Figueras o Edong pero nang bumalik nga sa pagkabata ang karakter niya ay naging si JM na.

So, ang tsika, tatanda na lang daw ulit ang karak­ter ni JM at ibabalik si Albert.

“Hindi pa kasi umabot sa ganu’n, eh,” sabi ni Albert. “Right now, ang ano lang namin is ‘yung schedule nga nito (Ang Probinsyano), so I don’t know kung ano ang mangyayari.

“Hopefully, maayos lahat, kasi napakagaling namang artista ni JM, sayang naman. Saka ang ganda ng story, eh. Ayoko nang galawin ‘yun, eh.”

Tapos na raw lahat ang eksena niya sa All of Me sa pagkakaalam niya. Two months ago pa nga raw niya natapos ‘yun at sobrang happy raw siya talaga sa pilot week.

“Para siyang isang buong pelikula. May umpisa at may dulo, so nakakatakot namang galawin pa,” he said.

Sa Ang Probinsyano ay ginagampanan ni Albert ang role na ama ng karakter ni Arjo Atayde.

Bagama’t kontrabida si Arjo, ayaw namang sabihin ni Albert kung kontrabida rin ang role niya’t panoorin na lang daw.

“May mga twist na maganda, eh.”

Sa Sept. 28 na mapapanood ang Ang Probinsyano sa primetime slot ng ABS-CBN bilang kapalit ng Nathaniel na magtatapos na this Friday, Sept. 25.

Pagbibidahan ni Coco Martin ang Ang Probinsyano with Bela Padilla and Maja Salvador as his leading ladies.

Bela at Maja may kumpetisyon kay Coco

Sa nasabing presscon pa rin ay natanong si Bela kung matindi ba ang pressure sa kanya lalo pa nga’t first teleserye niya ito sa ABS-CBN at say niya, as much as possible ay ayaw niya itong isipin at gusto niyang isipin ang positive side na sa halip na pressure ay excitement ang kanyang nararamdaman.

May insecurity ba na ang isa pang leading lady na kanyang sasabayan sa serye ay si Maja Salvador na isa ring napakahusay na aktres?

Sumagot agad si Maja, “uy, wag naman ganu’n, ano ba ‘yun?’

Natawa si Bela and explained na hindi naman daw.

“Katulad nga ng sabi ko, puro good vibes. And saka as a person, very positive akong tao, so imbes na insecure, mas parang “uy, magaling ang mga katrabaho ko, dapat galingan ko rin”, mas ganu’n. Mas challenge siya,” say ni Bela.

Katapangan ni Pastillas girl, hinahangaan

Ang dahilan kung bakit nakagawa ng Pastillas video si Angelica Yap o Ms. Pastillas ay nakaharap na nga nito noong weekend. Ito ay si Enzo, ang kababata at ex-boyfriend niya.

Tama nga naman ang sabi ni Vice Ganda na mas maganda na maisara nang maigi ang bawat “chapter” sa buhay natin para mabuksan nang mas maganda ang susunod na bahagi o “chapter“ nito.

Sa kaso ni Ms. Pastillas at Enzo, nagkaharap at nagkaayos ang dalawa. Naging madamdamin ang pagta­tagpo nila at masasabi nating naging matapang silang harapin ang nakaraan.

Masakit nga naman ang nangyari kay Ms. Pastillas dahil kahit na isang buwan lang ang naging relasyon nila, pinagsabay at pinili ni Enzo ang best friend ni Angelica kaya naman galit na galit at ganun na lang ang sakit na naramdaman ng dalaga.

Tulad ng ilang kabataan, sa social media nila inilalabas ang damdamin kaya naman nanganak ito ng viral video na tungkol sa paggawa ng pastillas na inihambing ni Angelica sa ex-boyfriend nito.

At dahil base sa totoong buhay ang kwento, maraming manononood ang nakaka-relate at sinusundan ang segment. Kung pagbabasehan ang Kantar national TV ratings ng It’s Showtime, makikitang lumakas ito at pumapalo ng 18.5% noong nakaraang Biyernes kumpara sa kalabang programa na pumapalo ng 20.6%. At kahit maraming tumutok sa kalabang programa noong Sabado, hindi natinag ang It’s Showtime at napanatili nila ang mataas nilang ratings na 17.9%.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT

ALBERT MARTINEZ

ALL OF ME

ANG

ANG PROBINSYANO

ENZO

MS. PASTILLAS

NAMAN

NGA

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with