^

Pang Movies

Marian gusto munang masarili ang anak, ayaw i-commit sa endorsement

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Less than two months na lamang ang ipaghihintay ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera at isisilang na ang first baby nilang si Baby Maria. Kaya naman nang dumating si Dingdong galing ng #Sampuso show sa New York kaugnay ng 10th anniversary ng GMA Pinoy TV, mga damit nina Marian at Baby Maria ang pasalubong nito.  

Sa post ni Marian sa kanyang Instagram account, magaganda ang baby dresses na ipinamili ni Dingdong kaya say nito, lalo raw siyang nai-in love sa malapit nang maging ama, at talagang magi­ging Daddy’s Little Girl daw ang kanilang anak.

Kaya noong presscon ni Andrea Torres for her An­drea: Road Trip coffee table book, natanong namin ang manager nila ni Marian na si Rams Dav­id kung totoong marami nang tinanggihang offers na magazine cover at en­dorsements ang mag-asawa kasama si Baby Maria. 

“No, hindi totoo, wala pa namang tina­tanggap at tinatanggihang endorsement inquiries si Marian,” sagot ni Rams. “Ang tinatanggihan lamang niya kung ang offer na commercial na gagawin niya o nila ni Dingdong ay ibang bata ang gagamitin at hindi ang kanilang coming baby. Actual­ly, sa ngayon, ayaw pang sumagot ni Yan sa mga inquiries, dahil gusto muna nilang masarili ang baby nila pagkapanganak niya sa November.”

Sa ngayon, tuloy pa rin si Marian sa Sunday comedy-variety show nilang Sunday PinaSaya sa GMA 7 at hanggang kaya pa niya ay mapapanood pa rin siya sa show. Nagpapasalamat si Marian dahil may mga magazine pa rin na niri-request siya o sila ni Dingdong para maging cover.   

Isabelle umaming makikialam sa kasal nina Pauleen at Vic!

Makikialam at tutulungan ni Isabelle Daza si Pauleen Luna sa pagpi-prepare nito ng wedding kay Bossing Vic Sotto. Ito ang kuwento ni Belle sa presscon ng Resureksyon ng Regal Entertainment at Reality Entertainment. 

Hanggang sa ngayon daw ay may contact pa siya at madalas na ka-chat ang mga dating co-host ng Eat Bulaga

May chance ba siyang makabalik sa noontime show para mag-promote ng movie na dinirek ni Alfonso “Borgy” Torre III, na araw-araw ay napapanood na ang trailer?  Hindi pa raw niya alam pero she will love it to go back to the show kahit mag-promote lamang siya.

Gaganap na isang vampire si Belle at mabuti na raw lamang noong araw pa ay mahilig na siyang manood ng mga vampire mo­vies. Marami rin daw siyang natutunan noong nag-shoot siya ng Kubot: The Aswang Chronicles. Hindi rin siya natakot humiga sa kabaong, kahit claustrophobic siya dahil tiwala siya sa kanilang director. 

Mapapanood na ang Resureksyon simula sa September 23. Kasama niya sa movie sina Paulo Avelino, Jasmine Curtis Smith, Alex Castro, at Niño Muhlach.

vuukle comment

ACIRC

ALEX CASTRO

ALIGN

ANDREA TORRES

ANG

BABY MARIA

LEFT

NBSP

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with