^

Pang Movies

Kristoffer Martin, isa na lang ang kidney!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado sa Wish Ko Lang, tunghayan ang kwento ng tubong-Zamboanga na si Twinkle na isasabuhay ng mismong idolo niyang si Kristoffer Martin.

Iilan lang daw ang nakauunawa sa tunay na pagkatao ni “Twinkle” sa bayang kinalakhan at kung mananatili raw siya roon, hindi umano matutupad ang kanyang mga pangarap—kaya siya nagtungo sa Maynila.

Pero pagdating sa siyudad, agad nasamantala ang kanyang pagiging inosente. Siya ay nabiktima ng sindikato kung saan kinuha ang isa niyang kidney. Wala nang magawa si Twinkle kundi ang tanggapin ang sinapit na kamalasan. Kung magmumukmok daw kasi siya, lalong walang mangyayari sa kanyang buhay, lalo na ang mga taong umaasa sa kanya sa probinsiya. Pinili rin niyang ilihim ito para hindi raw sila mag-alala.

Ngayon, mailap ang trabaho para sa kanya dahil hindi naman siya nakatapos ng pag-aral at minsan ay bumabagsak pa sa medical exam dahil iisa na lang ang bato niya. Pero hindi sumusuko si Twinkle, sa tulong na rin ng mga inspirasyon niya sa buhay—ang kanyang pamilya at ang pagtangkilik sa isang artista na kanyang hinahangaan—at ito ay ang Kapuso star na si Kristoffer Martin.

Mapapanood ang kwento ni Twinkle sa  Si IDOL Bilang Ako ng Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, ngayong Sabado, 3:15PM, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7. (30)

vuukle comment

ANG

BILANG AKO

IILAN

KAPUSO

KARELASYON

KRISTOFFER MARTIN

MAPAPANOOD

NGAYONG SABADO

PERO

VICKY MORALES

WISH KO LANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with