^

Pang Movies

Komikeros pipiliting mapatawa sina Richard at Dawn

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbabakbakan na sa pagpapatawa ang limang komikerong grand finalists sa It’s Showtime sa kanilang huling pagtutuos upang makuha ang titulong Funny One ngayong Sabado.

Aling komikero kaya ang tatangha­ling grand winner at magkakamit ng P1 milyon – ang lovable father and son ng Cebu na Crazy Duo, ang astig komikero ng Bacolod na si Gibis Alejandrino, ang Dabawenyo trio na No Direction, ang stand-up comedian na si Ryan Rems Sarita, o ang wildcard winner na si Nonong Ballinan?

Sa paghaharap nila sa Sabado, itotodo na ng mga komikero ang pagpapatawa para pabilibin ang buong Pilipinas na huhusgahan ng mga huradong sina Herbert Bautista, Joey Marquez, kasama sina direk Frasco Mortiz at ang tambalang Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Sa ilang linggo ng kumpetisyon, hinasa pa ang talento ng mga komikero sa tulong ng mga beteranong komedyanteng sina Bobot Mortiz, Leo Martinez, Gabe Mercado, Bayani Agbayani, at Vhong Navarro.

Ngunit nitong linggo, mas nasubok pa ang kanilang husay sa pagpapatawa sa pagiging jester nang atasan silang mag-entertain ng madlang people bago ang live show ng It’s Showtime.

Bukod pa riyan, sumailalim din sila sa training sa pag-i-interview ng King of Talk na si Boy Abunda. At nagamit naman nila ito sa kanilang pakikipagpanayam kay Toni Gonzaga (para sa Crazy Duo), Alex Gonzaga (Ryan Rems), Marvin Agustin (Gibis), Jolina Magdangal (No Direction), at John Lloyd Cruz (Nonong).

Sa huli, sinong komikero kaya ang mananaig at tatanghaling kauna-unahang Funny One?

Huwag palampasin ang grand finals ng Funny One sa It’s Showtime ngayong Sabado, 12nn sa ABS-CBN.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ANG

BAYANI AGBAYANI

BOBOT MORTIZ

BOY ABUNDA

CRAZY DUO

DAWN ZULUETA

FUNNY ONE

NO DIRECTION

SABADO

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with