^

Pang Movies

Half sisters sinorpresa si Igan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Miyerkules, ang mga bida ng highest rating na Kapuso afternoon soap opera na The Half Sisters, sa kauna-unahang pagkakataon ay bibisitahin si Igan sa Tonight with Arnold Clavio!

Alamin kung sing-bait at sing-amo nga ba ni Diana si Barbie Forteza sa totoong buhay. May tinatago rin kaya siyang “kalog side?” Baka masak­sihan ito sa munting surpresang inihanda ni Igan para sa nalalapit na kaarawan ni Barbie!      

Si Ashley naman na kinamumuhian ng marami, siguradong kabaliktaran ng tunay na pagkatao ni Thea Tolentino. Iyan ang makukumpirma ni Igan sa kanilang kwentuhan tungkol sa pamilya, love life, at personal na buhay ng dalawa! At hindi lang sa drama mahusay ang half sisters dahil magpapasiklab din sina Thea at Barbie sa pagpapatawa!

Siyempre, hindi lang ‘yan, makakasama rin sa episode ang world class singer na si Ima Castro. Maaalalang tulad ni Lea Salonga ay gumanap din siyang Kim sa broadway musical na Miss Saigon. Abangan ang espesyal na pagkantang ihahandog niya sa TWAC ngayong Miyerkules, July 29, sa Tonight with Arnold Clavio, 10:15PM sa GMA News TV.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

BARBIE

BARBIE FORTEZA

HALF SISTERS

IGAN

IMA CASTRO

LEA SALONGA

MISS SAIGON

NGAYONG MIYERKULES

SI ASHLEY

THEA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with