^

Pang Movies

Jolo naka-recover na

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakakatuwa naman at bumubuti na ang kalagayan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla. Ayon sa post ng kanyang inang si Rep. Lani Mercado-Revilla last Saturday, tinanggal na raw ang tubo sa baga ng aktor/politiko.

Nakakatuwa rin ang picture na ipinost ni Lani sa kanyang Facebook account kung saan ay magkakasama sina Jodi Sta. Maria, Jolo, at ang kani-kanilang anak na sina Thirdy at Gab respectively.

Caption ni Lani sa picture, “Vice Governor Jolo Revilla before going to the operating room. His doctors decided to take out the chest tube out of his right chest after fluids coming out are lessened.”

Pagkatapos nito ay nag-post ulit si Lani ng picture nilang dalawa ni Jolo na may caption namang “After the ope­ration inside the room. Thank you Lord for a successful operation. Vice Governor Jolo Revilla towards full recovery. Thank you Lord for good doctors at Asian Hospital.”

Sa larawan ay makikitang nakaupo si Jolo at hindi na nakasuot ng hospital dress. Kung titingnan ay parang magaling na siya.

Marami naman ang pumupuri kay Jodi sa pag-aalagang ginagawa sa boyfriend. Sabi nga ni Manay Lolit Solis nang ma-interview recently, the actress has never left Jolo’s side simula nang maospital ito at talagang araw-araw ay naroon siya.

Juday walang muwang na makakatrabaho si Claudine

Ayon kay Judy Ann Santos, excited na rin daw siya kung totoo ngang may project na niluluto para pagsamahin silang dalawa ni Claudine Barretto.

Aniya, nang makausap namin sa presscon ng Someone to Watch Over Me with Richard Yap, wala pa raw siyang confirmation kung matutuloy ang project nila ni Claudine.

“But I’m praying for it kasi sayang naman ‘yung tandem kung saka-sakali,” she said.

Wala pa raw talagang detalye siyang alam tungkol sa proyekto.

“May nabanggit pa lang pero wala pang konkretong istorya,” she said.

Kung si Claudine ay nababanggit na excited siya about the project, ani Juday ay siya rin naman daw.

“Ako rin naman. Parang matagal ko naman ding inasam na makasama si Claudine sa isang project. Kasi, most of the time, nung days namin, parating magkatapat ‘yung teleserye namin, ‘yung mga pelikula (namin), so I think it’s about time that we share one project,” deklara ng Teleserye Queen.

Sharon may big welcome sa Kapamilya?!

Latest post ni Sharon Cuneta kahapon sa kanyang Facebook account ay ang number 4. Many believe na countdown ito ng Megastar kung ilang araw na lang bago siya mapanood muli sa telebisyon na hindi pa niya inaanunsyo kung saang network.

Nagsimulang mag-post ng mga numbers si Shawie na pinaniniwalang “countdown” last Friday, March 6. Nagsimula sa number 6 ang kanyang post.

Bago ito ay nag-post siya ng men­sahe sa kanyang mga Sharonians na ilang araw na lang daw at makikita na siya. Doon pa lang ay talagang nagkagulo na ang kan­yang fans at ang dami nang na-excite.

Bagama’t hindi pa inaanunsyo ni Shawie ang bago niyang network, ang lakas ng ugong na sa ABS-CBN ito ulit, ang network na pinanggalingan niya for so many years bago siya lumipat sa TV5.

Ang balitang nasagap namin, may pictorial daw si Sharon ngayong Monday sa ABS-CBN. Bale ba ay may announcement na isasagawa ang Kapamilya network ngayong Lunes din.

Kung ano ang announcement na ‘yun, abangan.

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL

AYON

BUT I

CAVITE VICE GOVERNOR JOLO REVILLA

CLAUDINE

JOLO

KUNG

LANI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with