^

Pang Movies

Vin chef sa kanilang resto

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masaya ang pa-pocket interview ng TV5 para sa Wattpad Presents: My Fiancee Since Birth para kina Direk GB Sanpedro at mga bidang sina Yassi Pressman at Vin Abrenica.  Nakita raw agad ni Direk GB ang chemistry ng dalawa kahit open naman na girlfriend ni Vin ang kapwa Kapatid na si Sophie Albert.  Parang matagal na raw magkakilala ang dalawa, na totoo naman dahil kuwento ni Yassi, na noong nasa GMA-7 pa siya, madalas daw silang magkakasama nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla at kasama naman ni Aljur si Vin kaya walang ilangan sa kanila sa first taping day pa lamang nila, lalo pa at sa Ocean Adventure in Subic sila nag-location taping. 

Sa story, kuwento ni Vin, bata pa lamang siya, nakita niyang preggy ang friend ng mommy niya at sinabi niya ritong, siya ang magiging girlfriend nito paglaki nila. Pumunta sa States si Van (Vin) noong bata pa sila at naiwanan niya si Alexa (Yassi).  Nang magdalaga si Alexa, hindi siya talaga nagpaligaw, sinasabi niyang may boyfriend na siya.  Kung paano sila magkikita at magkakakilala, iyon ang magandang subaybayan simula bukas ng gabi, March 9, sa TV5 pagkatapos ng PBA.  

Biruan kung may kissing scenes ba sina Vin at Yassi, meron daw at bilangin kung ilan.  Pero si Vin una raw nakipag-kiss sa sea lions doon sa theme park, masakit daw dahil matitigas ang whiskers nito.  

Mamaya na ang last performance ni Vin Abrenica ng first stage play niya, ang Juego de Peligro (Dangerous Liaisons) sa Little Theatre ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at 3:00 p.m.  

Nakakapagod daw pero nag-enjoy si Vin, iba raw ang fulfilment na pinapalakpakan ka ng mga tao during the performance.  May time na kahit galing siya sa taping, diretso siya sa CCP  for rehearsals.  Sa ngayon, wala pa siyang bagong assignment sa TV5 kaya may time siya na mag-stay sa restaurant nila sa resort nila sa Batangas.  Nag-aral siya ng culinary arts sa Global Academy kaya ang food nila roon, siya ang naghahanda, fusion ng Japanese at Filipino dishes.

Once upon.. extended

Masaya ang magka-love team na Bianca Umali at Miguel Tanfelix (Biguel loveteam) dahil extended pa ang kanilang romantic-comedy series na Once Upon a Kiss sa GMA-7.  

Kaya mamayang hapon, magpapasalamat sina Bianca and Miguel sa kanilang followers and fans sa isang mall show sa SM Dasmarinas in Cavite.  Napapanood naman gabi-gabi ang Once Upon a Kiss pagkatapos ng Pari Koy.

vuukle comment

ALEXA

ALJUR ABRENICA

BIANCA AND MIGUEL

BIANCA UMALI

ONCE UPON

SIYA

VIN

VIN ABRENICA

YASSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with