^

Pang Movies

Nakisaya sa SAS Kuya Germs papasyal-pasyal na

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakapasyal na si Kuya Germs sa Sunday All Stars kahapon. May picture siya sa Instagram kasama ang ilang GMA executives at si Pilita Corrales.

May brace nga lang sa kanang braso ni Kuya Germs. Ito yata ‘yung naapektuhan dahil sa stroke na sinapit niya. Medyo hapis pa ang mukha ng Master Showman ng showbiz. Wala pa ‘yung dating aura niya bilang Kuya Germs na magiliw ang mukha kapag nakikita.

Siyempre, nakaka-miss din ‘yung presence ni Kuya Germs sa mga presscon ng GMA, huh! Huwag lang siyang pai-stress sa mga reporters ‘pag nakita siya sa presscon na magtatanong sa kalagayan niya, huh!

Paolo dadalhin ang talent sa pagmi-makeup hanggang ‘hukay’!

Maisasapubliko na ni Paolo Ballesteros ang kaalaman niya sa makeup transformation ngayong may solo movie na siyang Die Beautiful na dinidirek ni Jun Lana. Ang huling ginayang foreign celeb ni Pao ay ang Oscar best actress na Julianne Moore.

Prior to Julianne, marami na siyang Hollywood celebrities na ginaya kaya naman naakit din ang fo­reign media upang mapabilib niya.

Sa solo movie ng Eat Bulaga Dabarkad, si Lady Gaga ang peg niya sa poster ng movie. Sa maiksing kuwento na nabasa namin sa Facebook account ni Direk Jun, mamamatay siya sa movie pero nanakawin ng friends niyang bading ang bangkay niya’t araw-araw bibihisan at iniiba-iba ang makeup, huh!

Ang maganda sa Die Beautiful, isa ito sa susu­portahan sa production ng Hong Kong Asian Film Financing Forum for funding assistance. Magiging co-producer naman ang APT Entertainment ng movie.

Kailangang magpakatatag Lani ayaw pa rin tantanan ng problema

Hindi pa tapos ang kalbaryo ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla. Nanawagan siya kahapon sa kanyang Twitter account na ipagdasal ang anak na si Jolo Revilla na diumano ay aksidenteng nabaril ang dibdib habang naglilinis ng baril sa bahay nila sa Ayala Alabang.

Kailangan kasi maalis ang du­gong naiwan sa loob ng dibdib niya kaya sumailalim sa operasyon ang anak na bise gobernador ng Cavite. Siyempre, nakakadurog ng puso ang nangyari kay Jolo. Hindi pa nga tapos ang problema ng asawang si Sen. Bong, heto at anak naman ang nagkaroon ng problema.

Magkaiba nga lang ang bersyon ng balita. Aksidente raw ang nangyari ayon sa official statement ng Revilla family na si Atty. Raymond Fortun habang may report si Jojo Gabinete na suicide diumano ang nangyari kay Jolo dahil sa depresyon sa sitwasyon ng ama.

Sa interview kay Atty. Fortun sa ANC News Channel kahapon, sinabi niyang dumalaw kay Jolo ang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Aksidente man o hindi, dapat maging matatag si Jolo sa problemang ito ng ama. Saka election na next year at malay natin, mabago ang gulong ng kapa­laran ng ama, huh!

vuukle comment

AKSIDENTE

AYALA ALABANG

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO-REVILLA

DIE BEAUTIFUL

DIREK JUN

EAT BULAGA DABARKAD

JOLO

KUYA GERMS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with