^

Pang Movies

Sen. Bong malapit sa mga Muslim

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – More than a dozen of red roses ang Valentine gift ni Sen. Bong Revilla sa kanyang wife Congresswoman Lani Mercado. Nadiskubre namin ito noong dumalaw kami kay Sen. Bong sa Camp Crame na nagkataong post-Valentine affair ng kanyang pamilya. Naroon din si Sen. Jinggoy Estrada, na nag-birthday naman last Feb. 17.

Matindi ang pakikidalamhati ng senador sa pagkamatay ng 44 soldiers ng SAF. Honorary member siya ng PNP-SAF kaya’t matindi ang kanyang kalungkutan.

Dapat daw ay bigyan ng ultimatum ang MILF para ibalik lahat ng armas at mga personal na gamit ng SAF at isuko ng members na responsible sa pagmasaker ang mga ito sa mga alagad ng batas.

Malapit sa mga Muslim at taga Mindanao si Bong at alam niyang hindi lahat ay may ugaling barbaro ng mga kumitil sa mala-bayaning sundalo.

Heart kinawawa talaga ng mga magulang

May mga nanay kaming nakausap na nagkomentong dapat daw ay hindi inisnab ng parents ni Heart Evangelista ang wedding day nito sa Balesin Island sa Quezon, kahit anong sama ng loob ng mga ito sa kanilang anak. Napakahalaga para sa isang babae ang wedding day, minsan lang ito nagaganap sa buhay ng isang babae tulad ni Heart.

Unang-una, ayaw man nila sa senador, hindi naman daw sila itong makikisama kundi ang anak! At saka, hindi maibibigay ang kaligayahang hinahanap ni Heart sa kanyang buhay kundi sa katangian ni Sen. Chiz Escudero, kesehodang ayaw man nila rito.

Miggs sinasagut-sagot si Camille!

Walang takot ang child star ng GMA na si Miggs Cuaderno na lumaban ng sagutan kay Camille Prats habang minumura at inaalipusta dahil natuklasang hindi pala tunay na anak.

Ngayon tuloy natuklasan, kung bakit kay Miggs naibigay ang naturang role. Iba’t ibang emotion ang dapat niyang ipakita rito. No wonder siya ang napili ni Direk Laurice Guillen para sa Second Chances. Hindi naman ito nakakapagtaka, dahil nanalo na itong best child actor. Kasali rin ang batang ito sa Tropang Pochi.                                                                             

vuukle comment

BALESIN ISLAND

BONG REVILLA

CAMILLE PRATS

CAMP CRAME

CHIZ ESCUDERO

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

DIREK LAURICE GUILLEN

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with