^

Pang Movies

Viva saludo kay Alonzo

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Wala si Mr. Vic del Rosario sa contract signing ni Alonzo Muhlach sa Viva Films pero narun naman si Veronique del Rosario. Ipinahayag nila na si Alonzo ang gagawa ng remake ng mga pelikulang pinasikat ng dating child wonder na amang si Niño Muhlach gaya ng Kwatog, Darna & Ding, Buchoy, Tembong, at iba pa.

Hangang-hanga nga ang Viva ayon kay Veronique dahil ang husay mag-deliver ng lines si Alonzo.

Magandang regalo naman ito sa birthday ng bagong child wonder kung saan binigyan siya ng customized van ni Niño na mayroong kama at CR kaya excited na ang child actor.

Sa kabilang banda, ratsada sa telebisyon ang bata kung saan bukod sa Goin Bulilit ay mayroon na rin itong Wansapanataym at sasalang na sa Inday Bote ng ABS-CBN.

Sinubok ng tadhana sa love hotline

Maraming naantig na damdamin sa tinalakay sa Love Hotline tungkol sa kung paano malalampasan ng mag-asawang sina Willie at Emma Balasa ang magkasunod na pagkamatay ng kanilang anak. Unang namatay ang bunso dahil sa kumplikasyon sa pulmonya at pagkalipas lang ng isang buwan ang panganay na anak naman nila ang nagkasakit at binawian din ng buhay.

Dahil sa magandang payo nina Jean Garcia at May Soriano ay nalampasan ng pamilya ang kanilang pangungulila.

Humahatak na ng mataas na rating ang Love Hotline dahil sa makabuluhang mga payo at malaki ang natutunan ng mga manonood.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

EMMA BALASA

GOIN BULILIT

INDAY BOTE

JEAN GARCIA

LOVE HOTLINE

MAY SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with