^

Pang Movies

Bea at Jake lantaran ang ‘away’

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apektado nga ba ang promotions ng pelikulang Liwanag sa Dilim sa walang tigil na tampuhan ng mga bidang sina Bea Binene at Jake Vargas?

Obvious kasi na wala kahapon sa Eat Bulaga si Bea, pero sa promo naman nila sa Startalk, sumipot na ang dalaga.

Inusisa ko si Bea dahil sa tsikang bigla siyang hindi sumipot sa Eat Bulaga, pero ipinaliwanag ng dalaga na malinaw naman daw na wala talaga siya sa nabanggit na noontime show.

“May mall show po kasi kami ngayong hapon at hindi ako makakapag-rehearse for SAS (Sunday All Stars), kaya ina­yos naman po ng (GMA) Artist Center na hindi na po ako magpo-promote sa Eat Bulaga at sa Startalk na lang po ako.

“Hindi naman po ako basta hindi sumipot doon,” paliwanag ni Bea.

Napansin ko nga pala na habang nasa Startalk sila kahapon ay nasa dressing room si Jake at si Bea naman ay nasa backstage.

Obvious na may problema talaga ang young sweethearts.

Sana nga lang ay hindi maapektuhan ang Liwanag sa Dilim na magsu-showing na sa Miyerkules.

Kahit type na nila: Sarah at Richard hindi puwedeng pakasal ngayong taon, may kasukob!

Tahimik lang si Sarah Lahbati sa issue na dapat ay kasinglaki ng pangalan nina Bea at Jake ang billing niya sa pelikulang Liwanag sa Dilim.

Actually, ang sipag-sipag nga ni Sarah na mag-promote ng pelikula ng APT Entertainment, Inc.

Kahapon, nasa Eat Bulaga at Startalk si Sarah.

Sa mga promo nga pala ni Sarah ng Liwanag sa Dilim ay ang dalas-dalas niyang mausisa tungkol sa tsikang sila na ni Richard Gutierrez ang susunod na showbiz couple na magpapakasal.

Kahit parang pine-pressure tungkol sa pagpapakasal, mukhang malabo namang magpakasal na ngayong 2015 ang dalawa dahil magiging “sukob” sila kina Elvis Gutierrez at Alexa Uichico na magpapakasal na sa June 28.

May pamahiin ang mga Pinoy na bawal na magpakasal sa parehong taon ang magka­patid.

Tungkol naman sa tsika kung gusto na bang sundan nina Sarah at Richard ang anak nilang si Baby Zion, nilinaw ni Sarah na gusto pa muna nilang i-enjoy si Baby Zion.

 

vuukle comment

ALEXA UICHICO

ARTIST CENTER

BABY ZION

BEA

BEA BINENE

DILIM

EAT BULAGA

LIWANAG

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with