^

Pang Movies

Celebrity user-friendly, sugapa rin sa publicity!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kadiri ang isang celebrity na gagawin ang lahat para mapag-usapan at hindi mawala sa eksena.

Sobrang katsipan na ang pinaggagagawa ng celebrity kaya nilalayuan na siya ng kanyang mga kaibigan.

Hindi ko sasabihin ang name ng user- friendly celebrity dahil ayokong magpagamit sa kanya. Kapag binanggit ko ang pangalan niya, matutuwa pa ang celebrity na sugapa sa atensyon at publicity.

Kahit kanegahan, Kris parang tuwang-tuwa pag pinag-uusapan

So what naman kung nag-unfollow si Kris Aquino sa lahat ng mga sinusundan niya sa Instagram?

News ba ‘yon eh karapatan naman niya na gawin ang anumang pumasok sa kanyang utak.

Nag-unfollow lang, big news agad? Walang ipinagkaiba nang paigsian niya noon ang kanyang buhok na parang naging national issue.

Knowing Kris, tuwang-tuwa siya kapag nabubulabog ang mga tao sa kanyang mga aksyon dahil ‘yon ang basehan na relevant pa rin siya, kesehodang nega ang reaksyon ng buong mundo sa pagtatanggol niya kay P-Noy.

Actress/Dancer ‘pinagsasamantalahan’ ang datung ng sugar daddy

Bilmoko girl ang actress/dancer na dinispatsa ng kanyang old lover.

Super yaman ang mhin pero nag-dialogue ito na kahit siya ang pinakamayaman sa bu-ong mundo, mauubos ang kanyang mga ari-arian dahil bilmoko ang actress/ dancer.

Walang oras na hindi nagpapabili ng material things ang hitad.

Matalino ang mhin dahil naramdaman agad nito ang pangit na ugali ng actress/dan­cer.

Bago pa siya mamulubi, nagbabu ang ri­chie rich businessman sa actress/dancer na mabilis na nakahanap ng sugar daddy na mas bata pero super yaman din.

Abangan na lang natin ang magiging ending ng kanilang love story. Tingnan natin kung magiging biktima rin ni bilmoko girl ang mhin na in love na in love sa kanya.

Anak nina Boyet ooperahan uli, kailangan ng dasal

Matagumpay ang operasyon kay Miguel de Leon sa isang ospital sa Amerika.

Si Miguel ang pangalawang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na may sakit na testicular cancer.

Lumipad uli si Christopher sa Amerika para samahan si Miguel sa operas­yon nito.

May grupo ng prayer warriors sina Christopher at Sandy. Sila ang sama-sama na nagdasal para sa successful operation ni Miguel.  Hindi nagkulang si Sandy ng pagbibigay ng mga update.

“Surgery went quite well after 10 tedious hours which to us felt like days, specially for Julie and my hubby who were there from 6am yesterday to 3am today. Hubby never left our son’s side till he was really really ok already and sound asleep.

“When you think everything is fine sometimes, something else happens to make you even more distraught by the enemy. But we have a victorious God!

“There was internal bleeding and the good doctors had to open our son up again to see where it was coming from and were able to see and stop the bleeding.

“Our God is truly great & faithful to his promises. Tomorrow at 7am, Philippine time, our Miguel will again have to undergo one more surgery but only for 4-hours this time.

“And I’m very confident that our good Lord will again be there watching over him and guiding the hands of his surgeons and pouring out His wisdom upon them because He hears our prayers, and He loves Miguel very much, His adopted son.

“Again, my family and I would like to thank all those who are praying for Miguel, all your likes & inspiring post. Hubby and I would specially like to thank our dauntless, faithful & very loving prayer warriors in our private Viber group ( you all know who you are ) for their unceasing prayers  and encouragement. Tatay and I love you all very much.”

vuukle comment

AMERIKA

HUBBY AND I

KNOWING KRIS

KRIS AQUINO

MIGUEL

OUR GOD

SANDY ANDOLONG

SI MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with